Monday, April 25, 2011

Time Warp Vids = Awesome

Heya Fellow Ninjas!

Recently meron akong ineenjoy na vids sa youtube.. Time Warp ang tawag dun... Video siya ng isang... basta shet panuorin niyo nalang! Hindi kayo magsisisi. Skip niyo nalang sa 0:30 para di kayo mainep.

Asteeg no??? Eto pa!



Damn!! haha asteeg no?! sabi ko sa inyo eh.. alam niyo namang I only want the best for you guys...

And For the Finale!! This one is my Fave!


Damn! Yung isa pumasok pa sa pusod! saket sa pwet nun... Haha that's all folks..

Ninja Out!

Saturday, April 23, 2011

Fancy Shmancy Haircut

It was a day before my sis' graduation.

At the last minute nagdecide ang magnanay (Ate at Inang Kagandahan) na mag mall. Syempre hindi naman ako magpapaiwan dahil, baka mag shopping spree sila ng wala ako. May pangangailangan din naman ako. Pagpasok na pagpasok namin sa mall. Grabe umarangkada ang dalawa papuntang Salon. Bigla akong nawindang sa pangyayari! magpapasalon pala sila! Omagad! nalinlang ako!

Alam nila na ayaw ko ng sumasama sa kanila pag nagpapa'massage, salon at kung ano ano pang kakaibang ginagawa ng mga babae sa katawan nila. Okay lang naman sakin kasi buhay naman nila yan eh. Ang ayaw ko sa mga ganon eh... wala akong magawa kundi maghantay habang nasa loob sila ng Salon, Naaapaakatagal pa naman ng mga ganyan. BADTREEP!

Sinabi sakin ng mama ko na, magpagupit na lang daw muna ako habang nagsasalon sila... Nag-isip akong mabuti... Well... Muka narin naman akong aso sa gupit ko ngayon, at darating narin ang summer... iwas init. Kaso nga lang, san ako magpapagupit? eh meron akong personal na nagugupit sakin, Simula nung Highschool siya na nagugupit samin ng mga kaibigan ko, kaya hindi ako sanay. Biglang tumuro si mama sa malayo at sinabi... "Ayun oh! dun ka magpagupit". Tumingin naman ako...Bench fix?

Pagpasok ko sa loob, kakaiba yung atmosphere... parang hotel. May receptionist pa! Lumapit ako sa receptionist tapos. Tumingin sa kanya... Shet! di ko alam sasabihin ko! kadalasan kasi sa pinapagupitan ko. Kamustahin mo lang yung nagugupit tapos upo ka na sa waiting area. Ano sasabihin ko!?

Choices:

"Pwede Magpagupit?" <---Masyadong Pulubi dating
"Yeah..I need to get my hair done" <--- Masyadong mayabang ang dating
"1 Gupit nga with extra cheese"<--- Masyadong patawa ang dating
"Holdap to bigay niyo sakin lahat ng gupit niyo" <--- Masyadong holdapper ang dating

Sa dinami dami ng choices... wala paring tatalo sa secret weapon ko. Ito ay *BAM BAM BAM*!

"Manahimik at kunwaring tumitingin sa paligid ng parang tinitignan kung maganda ang lugar, With matching tungo ng ulo... para kunwari hindi baguhan sa mga Fancy Shmancy Pagupitan"

Bigla akong kinausap ng receptionist (Kitams! effective no?)

Dialog Mode!

Receptionist Girl: Sir? ano po kailangan niyo?

Ninja: Ah? ako? Pagupit sana ako.

R.G. : Ay ganon ba sir? Sige po, lagay niyo lang po pangalan niyo dito.

Ninja: Mga ilang oras kaya ako maghihintay

R.G.: ay sir mga 1hour po.

Ninja: Sounds fair. Okay <---Mayabang ang dating.

NagQuantum muna ako, basketball basketball hanggang mamanhid ang kamay. Bili ng Hotdog Sandwich  pag namanhid na ang kamay, inubos yung hotdog tapos basketball basketball hanggang mamanhid ulet ang kamay. Bili ng Fruitas(Fruit Shake) Grande size.

Natapos na ang 1 hour hindi ko parin ubos yung grande kong shake... damn! dapat pala maliit nalang inorder ko. Pagpasok ko ng pagupitan, Pina-upo na ako sa Hot seat. Hanggang sa Hot Seat maghahantay ka padin... Habang naghahantay ako... grabe nanginginig ang buong katawan ko sa lamig...Bearable naman yung lamig eh... pero pucha meron parin akong aftershock sa lamig nung grande shake na inorder ko... nanginginig ako na ewan... Tinitignan tuloy ako ng katabi ko na naghahantay rin... Tinignan ko siya... hindi ko namalayan ampula pala ng mata ko, tapos nanginginig nako... Parang natakot tuloy siya saken... Langya bakit naman ampula ng mata ko! para akong adik.

After siguro mga 10mins... Nilapitan na ako ng babae tapos nilagyan ako ng towel sa balikat.... dinala niya ako sa shampoo area... may shampoo shampoo pa pala dito... sa pinpagupitan ko wala nang ganyan ganyang factor eh... pag ikaw na, ikaw na talaga eh.

Humiga ako doon sa Shampoo thingy na nakikita sa mga commercial ng rejoice, yung papahigain ka tapos yung ulo mo nasa lababo. Higa lang ako... habang nakahiga ako biglang binuksan yung gripo...nagulat naman ako bigla akong napatayo ng onti... shet! Sabi sakin ng shampoo lady... "Relax lang kayo sir" in a very sexy way... kaya relax lang ako. Maya maya may narinig akong tunog...*HACKKK* *HACKK* yun yung tunog na pag meron kang plema sa lalamunan. May sipon pala yung nagshashampoo saken... isa pa ulet na *HACKK!!* *HACKK!!* tapos may naramdaman akong malamig at parang madulas na malapot sa ulo ko...SHET! ano yan! dinura ba sakin yung plema? napatayo nanaman ako... "Relax sir...shampoo lang to" ahhh! Shampoo lang pala! parang plema kasi eh... sakto pa yung timing parang ewan lang.

Pagtapos ko ng shampoo, balik nanaman sa hot seat. Tinanong na ako ng nagugupit na lalaki kung ano gupit ko... hahaha.. nahihiya ako sabihin na gusto kong gupit yung kay John Prats.. Hindi ko alam kung bakit, pero nahihiya ako. Hindi tulad sa dati kong pinapagupitan simple lang..

Dialog Mode!

Tiga-gupit: Ano gupit James?

Ako: Jamprats!

pero ngayon:
"Ah..eh.. alam nyo po yung kay ano...John Prats po?... parang ganon po... tska paki bawasan po yung buntot ko"

Ayan na ginupitan na ako, Ambilis niya mag-gupit kaso precise yung mga cuts niya... Nakakahiya yung lugar ng gupitan nila... kitang kita ka sa window sa gilid na nagpapagupit... mukang tanga lang... Lalo na yung mga tumatambay pa sa window para manood ng ginugupitan... sarap duraan eh, kala mo laban ni Pacquiao... susubaybayan pa. Masama pa non eh, kalahati ng gupit, iniwan ako ng nagugupit para gupitan yung katabi ko.... Worst possible na itsura ng gupit ko iniwan niya akong vulnerable sa mga nanonood sa labas! WATDAHEL!?

After a few minutes...Binalikan na niya ako.... tapos balik kay Shampoo lady para sa Rinse. Tapos balik nanaman sa Hot Seat for the finishing touches. Nilagyan niya ng Wax buhok ko, inayos na niya para sakin. Tapos pinakita niya kung okay... Alam niyo ba itsura ko?

Kamukang kamuka ng buhok ni John Prats! SHET! Hindi ko nagustuhan! hahaha... Para akong timang... Kuhang kuha talaga... Parang Phinotoshop ko yung muka ko tapos nilagay sa ulo ni John Prats eh... langya! hahaha nakakahiya lang... Di tulad sa pagupitan ko, hindi perfect eh.. kaya ayos lang... tae muka akong Die Hard Fan hahaha. SHET!

The End! Ninja Out! XD