Friday, July 1, 2011

Centipede in my HOUSE!?

Heya fellow Ninjas..
Tis' been a while! but I am back! with more kwentong Ninjas from my everyday life.

I'll start of with a story of a creepy-crawlie.

So galing ako ng school...Pagod pa sa kabayong pilay... mga 10:30pm non... Wala nakong gustong gawin sa buhay ko kundi maligo at matulog.

Kuha tuwalya, kuha damit, pasok banyo, hubad.

Habang nasa salamin ako at namamangha sa aking napakatindig na katawan... merong nahuli ang mata ko sa bandang kanan... Parang may gumalaw na ewan sa sahig tapos nagtago sa likod ng inidoro...

Nilapitan ko para mag-imbestiga... Pag tingin ko sa likod ng bowl...Pucha pagkalaki-laking alupihan! siguro mga 5-6inches yung laki nung halimaw na yun... napaatras ako... pagka-atras ko pucha hinabol ako... grabe... sobrang agresibo nung alupihan... mas agresibo pa sa manyak mong boyfriend!

Pagkacharge nya saken...Siyempre takbo ako...alam ko based on experience na sobrang sakit mangagat ng mga alupihan.

*Flashback mode to when I was 10yrs old.*

Sa manukan ng lolo ko... naghahanap ako ng mga bala ng pellet gun... kapa ako ng kapa sa mga ilalim ilalim nga kung saan saan na sulok ng manukan... tapos habang kumakapa ako... meron akong naramdaman na parang merong pumaso sakin ng sigarilyo... nagulat ako... PUCHA SOBRANG SAKET! grabe mga katropa... napakahirap explain ng sakit na naramdaman ko.. nung paghatak ko ng kamay ko... nakasabit pa yung hinayupak sa kamay ko. Sobrang sakit talaga... siguro kung marunong nako magmura noong mga panahon na yun... nasabi ko na lahat ng mura na pwedeng sabihin sa iba't ibang linggwahe ng mundo. Nilagyan nila ng yelo tapos may pinainom saken... Pero di nawala yung sakit... umiyak ako hanggang maubos luha ko. (POSIBLE YUN NOH! MAWALAN NG LUHA!)

*end Flashback moment*

Back to the ball game...

Ninja Skills activate! Patong sa toilet bowl! Isip ng plano para patayin ang bulateng maraming paa!

Pero bago ang lahat suot muna ako ng damit... Mamaya tumatalon pala tong hayop na to... at baka majackpot-an niya ang aking "ari-arian".

Naghanap ako ng mabisang weapon para patayin ang trespasser. Inisip ko dapat mahaba para safe... Eh di kinuha ko yung mop at pinaghahampas ko siya sa tiles ng banyo... shet! di effective! anlambot ng tela ng mop kaya parang binibigyan ko lang siya ng libreng masahe! lalo siya tuloy lumakas!

Binaliktad ko yung mop namin at pinanghampas yung kabilang dulo na gawa sa kahoy... Alam niyo naman na napakalinaw ng aking mga mata... puro sablay ang hampas ko! tapos masama pa non sa huling hampas ko eh tinamaan nga... kaso kumapit sa mop tapos ginapang niya yung hawakan papunta saken! eh di hinagis ko ngayon yung mop... pag hagis ko ng mop lumipad yung alupihan dun sa tuktok ng toilet bowl...

dun ako nagkaroon ng idea na lunurin ko nalang siya sa inidoro... gamit yung tela ng mop... inurong ko yung alupihan para mahulog siya sa tubig. Pagkapunta niya sa tubig... PUCHA MARUNONG LUMANGOY!!! ang husay niya lumangoy siguro kung hindi lang madulas yung inidoro namin... baka nakatakas na siya... Finlush ko siya pababa ng inidoro... gusto ko pa sana pahabol sa tae ko kaso nga lang kakatae ko lang non eh. SAYANG! CHASER SANA!

Hanggang ngayong araw na to... pinagsisihan ko na finlush ko sa inidoro yung alupihan na yun... naiimagine ko lagi habang nakaupo ako sa Trono ko... biglang lulutang siya dun tapos tatalon kakapit sa pwet ko tapos.... basta kayo na mag imagine kung ano pwedeng mangyari saken pag nasa pwet ko na siya.

Ang pinaka-ayaw ko sa mga ganitong sitwasyon... eh yung paranoia na sumusunod pagtapos... Sobrang paranoid ko ngayon sa centipede! parang habang natutulog ako... gagapang sila sa muka ko tapos papasok sa tenga ko.. tapos cocontrolin nila yung utak ko para sakupin ang mundo... mga simpleng imagination lang... Tsk...

hahaha yun lang mga tropa.... Next time Ulet! Ninja Out! BEYBEH!




PAYAKAP DAW SA MUKA!