Sunday, August 7, 2011

Hanggang San aabot ang 20 pesos mo?

Aabot ang 20pesos ko sa pamasahe FX from FEU to STO.Domingo
Aabot ang 20pesos ko sa foodtrip 4 na kwek kwek at isang Pepsi
Aabot ang 20pesos ko sa 1 hour ng pagdodota sa D5
Aabot ang 20pesos ko sa 1 Sprite in Can
Aabot ang 20pesos ko sa 1 Mami sa Kalye
Aabot ang 20pesos ko sa All-Text sa Globe
Aabot ang 20pesos ko sa 1 Piattos at 1 maliit na Mountain Dew
Aabot ang 20pesos ko sa Tricycle from bahay to sakayan ng Jeep
Aabot ang 20pesos ko sa 10 fishball, 10 Kikiam at 1 Samalamig
Aabot ang 20pesos ko sa 4 na Pirasong Siomai
Aabot ang 20pesos ko sa pamasahe FX from Sto.Doming to Sm North
Aabot ang 20pesos ko sa 1 Pirasong Asado Siopao
Aabot ang 20pesos ko sa 4 na pirasong salagubang
Aabot ang 20pesos ko sa 4 na Isaw Barbecue

Aabot ang 20pesos ni Paula Marie Ramos sa Buy 1 Take 1 Burger
Aabot ang 20pesos ni Janet Tape sa 5 Pirasong kwek kwek at 1 gulaman
Aabot ang 20pesos ni Rj Sitchon sa 1 RC cola, 1 Yosi, 1 Candy at 2 Cream- O
Aabot ang 20pesos ni Justin Ravelo sa  1 Chocomucho, 10 Stick-o at 2 Lips Candy
Aabot ang 20pesos ni Ayeza Ilano sa 1 CD ng DVD(Alam na!Hulihin!)
Aabot ang 20pesos ni Dianna Maliwat sa 1 Gotto at 1 Mountain Dew
Aabot ang 20pesos ni Kiko Marquez sa pamasahe ng jeep Proj. 8 to Quiapo
Aabot ang 20pesos ni Krisha Buloran sa 2 Nail Polish sa Tiangge(with free skin disease per application)




Anong tinitingin tingin mo? Bakit? san ba aabot 20 pesos mo?!

Ninja Out!

Friday, August 5, 2011

Si Shoni

It was 6pm

Like most of the cool kids I was at home slouching on the Sofa watching Anime on the internet.(oh yes..I'm cool)

so yun nga... nanonood ako ng mga previous episodes ng One Piece sa bahay. (sa mga hindi nakakaalam ng One Piece na anime click nyo lang yung Link... my god! di nyo alam yung One Piece?! nabuhay pa kayo.)

sooooo back to the Ball game again...

Pag nanonood kasi ako ng Fave Animes ko, wala na ako pakielam sa mundo... at sa ibang tao... 

Habang paparating na sa Iyakan moments ng Anime... Pinause ko yung video para mag CR(Stupid weak Bladder).

Pag balik ko sa Computer meron sakin nag PM sa FB tapos nakalagay.

"Jam panoorin mo to, importante to *Youtube Link*"

kinlick ko yung link, pinause ko yung video tapos nood ulit ng One Piece

nung nasa drama mode na ng palabas... medyo lungkot mode na rin ako... ambigat bigat na ng pakiramdam ko at malapit na ako maiyak sa lungkot...

Biglang may music na pumasok... katunog ng "Replay ni Iyaz"

"Shoni siya ay bumili ng panty
sa bangketa diyan sa tabi tabi
na-na-nagka-allergy
namantal at siya'y nangati"

I was like...WTF!? san galing yung tugtog na yun!?




NYUUUUU!!!





nasira mood ko... tama na yung timpla ng moment eh... malapit nako lumuha eh..
syet!

hinanap ko kung san galing yung tugtog... pero di ko mahanap... play lng siya ng play. after ilang sec na paghahanap nag give up nako. Hinayaan ko nalang tumugtog habang nanunuod ng One Piece...

Pero shet men! di na nabalik yung Sad moment ko... try niyo ngang maging malungkot habang may tumutugtog sa background niyo na tungkol sa Panty at allergy!?

Sinara ko na yung panonood... at hinanap ko ang bwakanang video na yun... sa paghahanap ko nakita ko yung youtube na binigay ng kaibigan ko... tapos title...

*BAM BAM BAM!*

"Panty ni Shoni!"

pakshet naman! yun pala yun! ano kaya nasa isip ng kaibigan ko nung sinabi niyang "IMPORTANTE TO" saken. Pano naging importante ang marinig ang storya ng babae(o lalaki) na bumili ng panty sa bangketa diyan sa tabi tabi... tapos nagka-allergy? WTF!?

bad3p talaga yung Shoni na yun... bakit kelangan pang gawing kanta ang shopping story niya... GAAADD!!!

okay *Outrage Over*

ay Sinusumpa ko nga pala si pareng Mark sa bwakanang Link na sinend nya... yun lang.

sa mga gustong marinig ang storya ng buhay ni Shoni... Click on the Videooo Beloowww...


NINJAAA OUTTTT!!! QK

Friday, July 1, 2011

Centipede in my HOUSE!?

Heya fellow Ninjas..
Tis' been a while! but I am back! with more kwentong Ninjas from my everyday life.

I'll start of with a story of a creepy-crawlie.

So galing ako ng school...Pagod pa sa kabayong pilay... mga 10:30pm non... Wala nakong gustong gawin sa buhay ko kundi maligo at matulog.

Kuha tuwalya, kuha damit, pasok banyo, hubad.

Habang nasa salamin ako at namamangha sa aking napakatindig na katawan... merong nahuli ang mata ko sa bandang kanan... Parang may gumalaw na ewan sa sahig tapos nagtago sa likod ng inidoro...

Nilapitan ko para mag-imbestiga... Pag tingin ko sa likod ng bowl...Pucha pagkalaki-laking alupihan! siguro mga 5-6inches yung laki nung halimaw na yun... napaatras ako... pagka-atras ko pucha hinabol ako... grabe... sobrang agresibo nung alupihan... mas agresibo pa sa manyak mong boyfriend!

Pagkacharge nya saken...Siyempre takbo ako...alam ko based on experience na sobrang sakit mangagat ng mga alupihan.

*Flashback mode to when I was 10yrs old.*

Sa manukan ng lolo ko... naghahanap ako ng mga bala ng pellet gun... kapa ako ng kapa sa mga ilalim ilalim nga kung saan saan na sulok ng manukan... tapos habang kumakapa ako... meron akong naramdaman na parang merong pumaso sakin ng sigarilyo... nagulat ako... PUCHA SOBRANG SAKET! grabe mga katropa... napakahirap explain ng sakit na naramdaman ko.. nung paghatak ko ng kamay ko... nakasabit pa yung hinayupak sa kamay ko. Sobrang sakit talaga... siguro kung marunong nako magmura noong mga panahon na yun... nasabi ko na lahat ng mura na pwedeng sabihin sa iba't ibang linggwahe ng mundo. Nilagyan nila ng yelo tapos may pinainom saken... Pero di nawala yung sakit... umiyak ako hanggang maubos luha ko. (POSIBLE YUN NOH! MAWALAN NG LUHA!)

*end Flashback moment*

Back to the ball game...

Ninja Skills activate! Patong sa toilet bowl! Isip ng plano para patayin ang bulateng maraming paa!

Pero bago ang lahat suot muna ako ng damit... Mamaya tumatalon pala tong hayop na to... at baka majackpot-an niya ang aking "ari-arian".

Naghanap ako ng mabisang weapon para patayin ang trespasser. Inisip ko dapat mahaba para safe... Eh di kinuha ko yung mop at pinaghahampas ko siya sa tiles ng banyo... shet! di effective! anlambot ng tela ng mop kaya parang binibigyan ko lang siya ng libreng masahe! lalo siya tuloy lumakas!

Binaliktad ko yung mop namin at pinanghampas yung kabilang dulo na gawa sa kahoy... Alam niyo naman na napakalinaw ng aking mga mata... puro sablay ang hampas ko! tapos masama pa non sa huling hampas ko eh tinamaan nga... kaso kumapit sa mop tapos ginapang niya yung hawakan papunta saken! eh di hinagis ko ngayon yung mop... pag hagis ko ng mop lumipad yung alupihan dun sa tuktok ng toilet bowl...

dun ako nagkaroon ng idea na lunurin ko nalang siya sa inidoro... gamit yung tela ng mop... inurong ko yung alupihan para mahulog siya sa tubig. Pagkapunta niya sa tubig... PUCHA MARUNONG LUMANGOY!!! ang husay niya lumangoy siguro kung hindi lang madulas yung inidoro namin... baka nakatakas na siya... Finlush ko siya pababa ng inidoro... gusto ko pa sana pahabol sa tae ko kaso nga lang kakatae ko lang non eh. SAYANG! CHASER SANA!

Hanggang ngayong araw na to... pinagsisihan ko na finlush ko sa inidoro yung alupihan na yun... naiimagine ko lagi habang nakaupo ako sa Trono ko... biglang lulutang siya dun tapos tatalon kakapit sa pwet ko tapos.... basta kayo na mag imagine kung ano pwedeng mangyari saken pag nasa pwet ko na siya.

Ang pinaka-ayaw ko sa mga ganitong sitwasyon... eh yung paranoia na sumusunod pagtapos... Sobrang paranoid ko ngayon sa centipede! parang habang natutulog ako... gagapang sila sa muka ko tapos papasok sa tenga ko.. tapos cocontrolin nila yung utak ko para sakupin ang mundo... mga simpleng imagination lang... Tsk...

hahaha yun lang mga tropa.... Next time Ulet! Ninja Out! BEYBEH!




PAYAKAP DAW SA MUKA!

Friday, June 3, 2011

Getting sick

Isang maulan na hapon...

Anlakas ng ulan...

galing kami ng lolo ko sa Puregold...

Huminto ang kotse sa Parking spot...

Tumingin ako sa bintana ng kotse.....

Sobrang lakas ng ulan....

Dialog Mode Engage!

Tatay(lolo): oh tumakbo ka dun sa bahay tapos kunin mo yung payong bigay mo sakin.

Ako:  Bakit ako? pano kung magkasakit ako?

Tatay: alanganaman ako? eh ang tanda tanda ko na, mabagal ako at mahina na katawan ko.

Ako: eh ako nga mataba ako eh, mas mabagal ako, tapos nagkadengue nako... so mahina immunity ko.

Tatay: Sakit lang? takot ka? ako nga di takot mamatay eh.

Ako: di takot mamatay eh dami dami niyo nga iniinom na gamot, tska matanda na kayo eh.. ako bata pa..

Tatay: Para ka talagang bading kahit noong bata ka pa.

Ako: UGH! sige na ako na nga...

Dialog mode... Disengage!

Nakauwi lolo ko ng tuyo ako basang basa...

After 1 day sinipon ako....

Bawat salubong ko sa lolo ko sisinghot ako ng malakas para marinig niya paghihirap ko....

para malaman niya na siya ang may kasalanan nito...

pagkauwi ko ng bahay...*SINGHOOOOTTT*

pag nagkasalubong sa bahay... *SINGHOOOT!*

Pag hinahantay niya ako matapos sa banyo tapos pagbukas ko ng pintuan ng banyo...*SINGHOOOOTT*

sa pagkain...*SUBO NG ULAM* tapos *SINGHOOOTTT*

pag inutusan niya ako...okay tay... yung lang ba? *SINGHOOOTTTT*


Ninja Out!!!!!

Sunday, May 8, 2011

The Woman who gave birth to a ninja! MY MOM!

T'was Saturday, about 5:00pm, walang online sa YM, except those "I'm on SMS" accounts".  I was lying on my bed thinking of something stupid when I heard a buzz on my YM… It's my MOM!, kinakamusta niya kami dito, pag kinakausap ko mama ko lagi niyang mga tanong:

1.Kamusta na kayo ni ate mo?

2.Kamusta na pag aaral?

3.Anung ginagawa mo?
(e2 mahirap na tanong kasi dapat alamin mo ang sasagutin mo)

Pag sinabi mo na kakagising lang, tatanungin ka kung anung oras ka na2log, yari ka, malalaman na nagpuyat ka nanaman kaka-computer.

Pag sinabi mo nag gigitara, o nagcocomputer, yari ka… dahil ibig sabihin di ka nag aaral.

Pag sinabi mo nag aaral ka, tatamaan ka naman ng kidlat.  Yari na!.

Nanghingi ako ng dagdag sa baon, para dagdag ipon.  I mean wala naman mawawala kung try mo diba?  kung hindi pumayag, ayus lang, pero pag pumayag, swerte!

Hindi pumayag.  Hahaha,

ang reason niya is nung bata daw siya eh, pamasahe nga lang ang baon niya eh.sayang!  hahaha.

Medyo makaluma yung pag iisip ng mama ko eh, minsan nga nag suggest siya na mag lagay daw ako ng tali sa salamin(glasses) ko para isabit ko nlng sa leeg ko lagi.

Sabi ko naman, ma gugulpihin ako ng mga tao pag nakita ako, (mukang nerd po.)

Tska magbaon daw ako ng kanin!.  Just imagine.  Isang scene sa college.

Tropa#1: Tol, tara kain tayo.

Tropa#2: Tara Pre, I want Yellowcab

Tropa#3: Sorry Bro mas gusto ko ung Cake nd' Coffee sa Starbucks

James: Dude!  May baon akong Tinolang manok!

Tropa#123: Awesome!  Wicked COOL!

(JOKE LANG!)

 (JAMES BIANZON is not promoting Peer Pressure sa blog niya.  This is merely a joke and should not be done by the readers for DTI NCR permit# 3543 Series of 2009, From UNILIVER!  hehehe)

Eto na… My mom asked if I have a facebook account, then….  The world went to a screeching halt.  My mind was full of questions and possibilities of what will happen?.

Just Imagine… Nag post ka ng status message sa wall mo sa facebook like…

 "My Love For You Burns the Intensity of a Thosand Suns!"

Tapos biglang may nagcomment

Mama: Anak?  Inlove kana?  Wag mong papabayaan pag aaral mo ah… tska mag ingat ka, ayoko pa ng apo!

WHAT THE??



My mom is pretty cool actually, She is very caring, she is smart, she's a great cook, she knows can speak in 4 languages, She finished her PT course, and she's only 39 years old.

Some of you are probably wondering..  Why is she so young?  compared to my mother?
Only some of you, because I think our generation has a lot of teenage mothers, I mean I know a lot of person my age with mothers being pregnant at an early age.  My mom was one of those people… and even though she could have taken abortion and forget about the whole thing never happened, she didn't.  She took the responsibility and accepted the consequences of what she and my dad have done.

Siguro kung hindi kami nabuo ng ate ko… nagsisimula palang ng buhay ang mama ko…Siguro mga anak niya mga elementary palang, tapos hindi niya na kelangan mag trabaho sa ibang bansa.  Parang pag naging teenage mom ka kasi parang automatic nilagay mo na sarili mo sa isang malalim na butas sa lupa, onti lang talaga ang nakaka -ahon sa mga ganung klaseng sitwasyon.

5 or 6 years old ako nung umales mama ko para magtrabaho sa ibang bansa.  Tumira kami sa bahay ng lolo at lola ko.  Yung papa ko naman nakatira sa bahay namen.

Naging domestic helper mama ko nung bago pa lang siya sa Macao, tapos naging waitress, tapos bartender, tapos beauty therapist, tapos hotel spa therapist.  Nung una naglilinis siya ng bahay ng 9:00am to 5:00pm tapos may part time siya sa ibang bahay ng 6:00-10:00pm tapos bartender siya ng 11:00-3:00am, nagtinda din siya ng mga puto at kutsinta sa mga pinoy sa Macao, hanggang sa binigyan siya ng pera ng tita ko na pang aral, tapos nag apply siya sa mga spa don, oh diba?  asteeg mama ko!  Ngayon nakatapos na panganay niya ng Psychology sa UST at magmemedicine... tapos pinag-aaral niya pa ako ng HRM sa FEU!  Binibilhan niya rin kami ng mga kung ano anong gusto namin, kaso nga lang may limit, para di kami ma-spoil.

After ilan years, pumunta mama ko sa states para mag aral ulet, masipag mag aral mama ko eh, parang ako, hehehe.

Kahit na iniwan siya ng unang asawa niya, nagtrabaho siya para samen, para makapag aral kami, take note nga pala, siya lang mag isa ha, walang katulong.  Balang araw babawian ko mama ko, maghintay lang kayo!

Palakpakan para kay Jocelyn Opriasa the SuperMOM!



P.S. She caught that BigAss Fish by herself with her BARE HANDS!

okay I was lying about the Bare Hands thing.. but She did caught this monster.

Monday, April 25, 2011

Time Warp Vids = Awesome

Heya Fellow Ninjas!

Recently meron akong ineenjoy na vids sa youtube.. Time Warp ang tawag dun... Video siya ng isang... basta shet panuorin niyo nalang! Hindi kayo magsisisi. Skip niyo nalang sa 0:30 para di kayo mainep.

Asteeg no??? Eto pa!



Damn!! haha asteeg no?! sabi ko sa inyo eh.. alam niyo namang I only want the best for you guys...

And For the Finale!! This one is my Fave!


Damn! Yung isa pumasok pa sa pusod! saket sa pwet nun... Haha that's all folks..

Ninja Out!