Sunday, May 8, 2011

The Woman who gave birth to a ninja! MY MOM!

T'was Saturday, about 5:00pm, walang online sa YM, except those "I'm on SMS" accounts".  I was lying on my bed thinking of something stupid when I heard a buzz on my YM… It's my MOM!, kinakamusta niya kami dito, pag kinakausap ko mama ko lagi niyang mga tanong:

1.Kamusta na kayo ni ate mo?

2.Kamusta na pag aaral?

3.Anung ginagawa mo?
(e2 mahirap na tanong kasi dapat alamin mo ang sasagutin mo)

Pag sinabi mo na kakagising lang, tatanungin ka kung anung oras ka na2log, yari ka, malalaman na nagpuyat ka nanaman kaka-computer.

Pag sinabi mo nag gigitara, o nagcocomputer, yari ka… dahil ibig sabihin di ka nag aaral.

Pag sinabi mo nag aaral ka, tatamaan ka naman ng kidlat.  Yari na!.

Nanghingi ako ng dagdag sa baon, para dagdag ipon.  I mean wala naman mawawala kung try mo diba?  kung hindi pumayag, ayus lang, pero pag pumayag, swerte!

Hindi pumayag.  Hahaha,

ang reason niya is nung bata daw siya eh, pamasahe nga lang ang baon niya eh.sayang!  hahaha.

Medyo makaluma yung pag iisip ng mama ko eh, minsan nga nag suggest siya na mag lagay daw ako ng tali sa salamin(glasses) ko para isabit ko nlng sa leeg ko lagi.

Sabi ko naman, ma gugulpihin ako ng mga tao pag nakita ako, (mukang nerd po.)

Tska magbaon daw ako ng kanin!.  Just imagine.  Isang scene sa college.

Tropa#1: Tol, tara kain tayo.

Tropa#2: Tara Pre, I want Yellowcab

Tropa#3: Sorry Bro mas gusto ko ung Cake nd' Coffee sa Starbucks

James: Dude!  May baon akong Tinolang manok!

Tropa#123: Awesome!  Wicked COOL!

(JOKE LANG!)

 (JAMES BIANZON is not promoting Peer Pressure sa blog niya.  This is merely a joke and should not be done by the readers for DTI NCR permit# 3543 Series of 2009, From UNILIVER!  hehehe)

Eto na… My mom asked if I have a facebook account, then….  The world went to a screeching halt.  My mind was full of questions and possibilities of what will happen?.

Just Imagine… Nag post ka ng status message sa wall mo sa facebook like…

 "My Love For You Burns the Intensity of a Thosand Suns!"

Tapos biglang may nagcomment

Mama: Anak?  Inlove kana?  Wag mong papabayaan pag aaral mo ah… tska mag ingat ka, ayoko pa ng apo!

WHAT THE??



My mom is pretty cool actually, She is very caring, she is smart, she's a great cook, she knows can speak in 4 languages, She finished her PT course, and she's only 39 years old.

Some of you are probably wondering..  Why is she so young?  compared to my mother?
Only some of you, because I think our generation has a lot of teenage mothers, I mean I know a lot of person my age with mothers being pregnant at an early age.  My mom was one of those people… and even though she could have taken abortion and forget about the whole thing never happened, she didn't.  She took the responsibility and accepted the consequences of what she and my dad have done.

Siguro kung hindi kami nabuo ng ate ko… nagsisimula palang ng buhay ang mama ko…Siguro mga anak niya mga elementary palang, tapos hindi niya na kelangan mag trabaho sa ibang bansa.  Parang pag naging teenage mom ka kasi parang automatic nilagay mo na sarili mo sa isang malalim na butas sa lupa, onti lang talaga ang nakaka -ahon sa mga ganung klaseng sitwasyon.

5 or 6 years old ako nung umales mama ko para magtrabaho sa ibang bansa.  Tumira kami sa bahay ng lolo at lola ko.  Yung papa ko naman nakatira sa bahay namen.

Naging domestic helper mama ko nung bago pa lang siya sa Macao, tapos naging waitress, tapos bartender, tapos beauty therapist, tapos hotel spa therapist.  Nung una naglilinis siya ng bahay ng 9:00am to 5:00pm tapos may part time siya sa ibang bahay ng 6:00-10:00pm tapos bartender siya ng 11:00-3:00am, nagtinda din siya ng mga puto at kutsinta sa mga pinoy sa Macao, hanggang sa binigyan siya ng pera ng tita ko na pang aral, tapos nag apply siya sa mga spa don, oh diba?  asteeg mama ko!  Ngayon nakatapos na panganay niya ng Psychology sa UST at magmemedicine... tapos pinag-aaral niya pa ako ng HRM sa FEU!  Binibilhan niya rin kami ng mga kung ano anong gusto namin, kaso nga lang may limit, para di kami ma-spoil.

After ilan years, pumunta mama ko sa states para mag aral ulet, masipag mag aral mama ko eh, parang ako, hehehe.

Kahit na iniwan siya ng unang asawa niya, nagtrabaho siya para samen, para makapag aral kami, take note nga pala, siya lang mag isa ha, walang katulong.  Balang araw babawian ko mama ko, maghintay lang kayo!

Palakpakan para kay Jocelyn Opriasa the SuperMOM!



P.S. She caught that BigAss Fish by herself with her BARE HANDS!

okay I was lying about the Bare Hands thing.. but She did caught this monster.

No comments:

Post a Comment