Mocktail - Mocktails, an abbreviation for "mock cocktails", are festive, non-alcoholic party drinks. Mocktails are often offered for designated drivers, pregnant women, or any party guests who choose not to drink alcohol.
Although many drink recipes can be prepared without alcohol, some are especially popular. Mocktails come in many varieties: frozen, hot, fizzy, non-fizzy, and cream-based recipes.
Kanina lang, pinagawa kami ng mocktail ng professor ko sa bar management, bawal daw yung mocktail na naimbento na, kelangan daw kami mag-iimbento, Umangal ako sa prof ko kung bakit kailangan kami ang mag imbento, eh wala naman akong alam sa mocktail mocktail na yan. Sinabi naman ng prof ko, tignan ko daw sa libro yung recipe ng mga mocktails tapos ibahin ko nalang yung prutas, in short, gagayahin ko yung mga mocktail na naimbento na tapos ibahin ko lang ng onti, tulad ng ginagawa ng mga Filipino TV networks sa mga international shows, like Pepito Manaloto ripping off "My name is Earl, May Bukas Pa ripping off "Marcelino Pan y Vino", Idol ripping off "GLEE".
Rip Off = Gaya gaya puto maya pag laki buwaya Pero hindi yun yung point ko. Mocktail pala pag-uusapan natin. Nyahaha.
So anyway, Nag-rip off nako ng isang Mocktail recipe, tapos nagdagdag-bawas ako ng iba, yung Acid Sweeter…
Acid Sweeter:
2 Drops Vanilla Extract
1 ½ Tsp Sugar
½ Lime Juice ½ lime
Water
Ginawa kong:
No drops Vanilla Extract
2 Tbsp sugar(nyahahaha)
½ Grape Juice Grapes
Water
Orange for Garnish.
Nilagay ko lang lahat ng ingredients sa Blender tapos pinanood ko maghalo halo, parang kanin baboy. Medyo maitim yung kinalabasan ng Mocktail ko…. Dark, pero hindi Dark as in Grasa ng taong grasa, medyo Moreno lang yung Mocktail ko. Tapos nilagyan ko ng 3 Pirasong Orange Cuts sa ibabaw ng baso para kunwari professional.
Alam niyo yung Orange cuts? Yung mga nakikita sa mga Movies na nakalagay sa ibabaw ng baso, para pampapogi ng drink, kadalasang kasama ng maliit na payong na wala namang kwenta at siguradong walang maisisilong pag umulan.
Binigay ko sa prof yung Mocktail ko, pinagalitan ako dahil hindi niya mainom kasi nakaharang yung tatlong Orange Cuts sa paligid ng baso ko, kaya hindi niya alam kung san niya lalagay yung nguso niya para makainom, tapos after a few tries nagawa rin niyang mapasok ang nguso niya sa baso, medyo ang wirdo ng itsura ng prof ko ng nag ttry siya uminom ng mocktail ko, umiiba yung anggulo ng nguso para makapasok lang sa loob, sana pala 1 Orange lang nilagay ko.
Professor: Bianzon anong pangalan ng Mocktail mo? *Sabay inom*
Ako: (Narealize na ako pala nag-imbento ng Mocktail na yun kaya ako dapat ang magpangalan, kaya sinabi ko na ang pinakamabangis na pangalan na maipapataw ko sa aking nilikhang mocktail.)
Ako: Ma'am "Ninja Destroyer" po
Professor: *Biglang tumigil uminom nung narinig yung pangalan ng Mocktail ko, Siguro naisip niya na baka malason o baka magka diarrhea siya sa mocktail na ang pangalan ay may salitang "Destroyer"*
Professor: ANG TAMIS NAMAN NETO!
Ang tamis daw pero binigyan ako ng 100 na grade ng prof ko. Ano kaya yun!?
Yun ang storya ng pinaka una kong Mocktail…The NINJA DESTROYER.
NINJA OUT!