Monday, January 3, 2011

My New Year's Resolution

Marami akong resolution ngayong bagong taon, pero tungkol lang to sa pinakaimportante kong resolusyon… at yun ay…*BAM BAM BAM*

Hindi na ako magmumura!

Well hindi naman totally hindi… medyo impossible maiwasan ang pagmura.  Ililimita ko lang ang pagmumura ko.
Magmumura lang ako tuwing…:

  • Ako ay nadapa, natalisod, naumpog, natusok, nasulobsob, in short nadisgrasya 
  • Nakakita ng nadapa, natalisod, naumpog, natusok, nasulobsob, in short nadisgrasya.  Example for 1 and 2(Ouch!  Shit!  Ansaket!) 
  • Pag sobrang init ng ulo ko at gusto kong ilabas sa mundo.
  • Pag meron akong gustong I-emphasize na kaastigan ng isang bagay o pangyayari at hindi kayang back-upan ng normal na words.  Ex.  (Pare Tangina!  grabe!  Yun lang masasabi ko… "Tang Ina")
  • Pag meron akong kinukwento(tulad nito) na nag iinvolve ng salitang mura.
  • Pag ambaho ng pinaamoy saken EX.  (Tangna ano yan!?  Bakit amoy alpombra?)
  • Pag may kaaway (hirap kasi nun may kaaway ka tapos siya lang nagmumura sayo, nakakahiya din…di rin naman ako palaaway eh)
  • Pag meron akong nakita nakakadiri to the maximum level!  For example:(CLICK HERE) Napamura ka noh?
  • Pag may bagong kanta si Justin Bieber na babara sa utak ko.



Oo na sige na alam ko marami, PERO!  Eto ang catch… sa isang buong taon… pwede lang ako magmura ng 20 times.
No exception… 20 times lang talaga ang Mura Points ko.  Pag na-redeem ko na lahat.  Sorry nalang kung may nakaaway ako, hindi ko siya mabibiyayahan ng malulutong at umaatikabong mura ko. Medyo nabudget ko na kasi yung points ko eh. Pag di ko naubos yun lahat within this year... Uubusin ko lahat sa Next New Year's Eve ng Bonggang Bongga!


Akala niyo ba madali tong resolution na to? Ang hirap kaya, lalo na kung maraming nagmumura sa paligid mo. Kanina nga lang eh 3rd day palang ng January gusto ko na i-redeem yung mura points ko eh… ganito kasi nangyari… Punta sana kami ng Gym ng kaibigan ko tapos ganito usapan namin:

Ako: Tuloy pa ba? Hapon na kasi eh…

Kaibigan: Uo!Tangina Mo! Pumunta ka na dito sa D5(meeting spot) and2 nako! Tangina Mo!

Ako: Dun nalang ako didiretso sa gym. Hapon na kasi eh…

Kaibigan: Cge! Tangina Mo! Pnta na ako dun! Tangina ka! Pinaghintay mo pa ako! Tangina mo!

Ako: Tuloy pa ba talaga? Hapon na eh…

Kaibigan: Ou nga! Tanginamo!

Ako:(hindi nagreply kasi naligo)

Kaibigan: Hoy! Tuloy ah! Tangina mo!

Ako:(Sa sobrang lamig ng tubig na pinaligo ko, inantok ako at bumagsak sa kama)

Kaibigan: Hoy! Andito na ako! Tanginamo! Asan ka na! Tanginamo!

Ako:(Sleeping)

Kaibigan: 5mins na ako nandito Tang ina Mo! Asan ka na!?

Ako:(Still Sleeping)

Kaibigan: Tangina Mo uuwi na ako! Pag gusto mo mag gym diretso ka nalang sabahay namin tangina mo!

Ako: (after 1 hour nagising at nagreply)

“aw! Nakatulog ako! Tagal mo kasi magreply eh!”

Hulaan niyo reply ng kaibigan ko???? *BAM BAM BAM!*

“Tang Ina Mo!”

Nalunod na ako sa mura hindi parin ako gumaganti ng mura. Ganyan ako katatag! Paninindigan lang ang puhunan ng mga ninjang tulad ko. Goodluck nalang saken at sa 20 Mura Points ko.

NINJA OUT!





No comments:

Post a Comment