Sasabit ko yun sa bintana, hihiga sa kama, at pipiliting wag makatulog para makita ko ang itsura ni santa, marami kasi akong katanungan tungkol sa kanya eh tulad ng:
1. Talaga bang mataba siya?
2. Ano Nationality niya? Baka kasi merong santa bawat bansa eh.
3. Kung mataba siya, pano siya nakakalusot sa mga bintana o chimney?
4. San niya ipapark yung reindeer powered sled nya?
Makulit ako at matanungin nung bata ako, kaya dami naasar sakin na mga matatanda.
Anyway habang pinipilit ko hindi makatulog, bigla nalang ako magugulat na ginigising nako ng mga tao samin dahil pasko na. Pagtingin ko sa bintana meron ngang laman yung mejas. May nakasabit na laruan sa labas, tapos sa loob ng mejas merong 3 pirasong malaking bilog. Habang nakatingin ako sa mejas andaming lumabas sa isip ko kung ano ba yung tatlong bilog na yun. And then… it hit me! OMYGOD! Could it be!? Natuwa ako nung may idea na pumasok sa isip ko! inisip ko ang laman ng mejas ay…*BAMBAMBAM*
POKEBALLS!
You know? Yung ginagamit ng mga trainers para humuli ng pokemon. Hindi ko siya hiniling pero kung yun nga binigay sakin that would be awesome! Manghuhuli ako ng mga hayop tapos gagawin kong pokemon. Or at least laruan lang na pokemon whichever works, kahit bata ako skeptical na ako, hindi ako madaling maniwala lalo na pag galing sa t.v.
Na-excite ako tumakbo ako sa mejas at binaliktad ito alam niyo ba ang lumabas?
2 Orange at 1 Apple!
Prutas mga pare! Prutas! Walang kwentang prutas. I was so shocked, nung bumagsak yung mga prutas sa sahig at gumulong. I had my WTF face on. Hindi ko kinain yung 3 prutas kasi una sa lahat galing siya mejas, pangalawa hindi ko alam kung san siya galing bago siya mapunta sa mejas ko.
After another year, narealize ko na hindi totoo si Santa dahil:
1. Sinabi ng kapitbahay kong sadista na hindi daw totoo si Santa
2. Imposibleng dumaan siya sa street namin at pumasok sa bahay namin, gugulpihin siya ng mga tambay dito sa tapat ng bahay.
3. Imposibleng ang isang matabang, balbas saradong lalaki, ay makakapasok sa mga bahay ng milyong milyong tao ng hindi nararamdaman. Mas ninja pa siya sakin nun.
4. Flying Reindeer? Pfft please!
Since then hindi na ako naniwala kay santa….Pero nagsasabit parin ako ng mejas just for the toys. Kung sino man naglalagay ng mga laruan sa mejas ay napakatigas ng ulo! Halata namang ayaw ko ng prutas lagay parin ng lagay! Nagsabit ako ng mejas until I was in grade 5, narealize na kasi nila na hindi ako naniniwala eh.
And that's how I remember my childhood…Sa mga naniniwala kay santa hanggang ngayon…Sorry to break your balls. Merry Christmas. NINJA OUT!
No comments:
Post a Comment