"isa ako sa mga SMP! Mabuhay!"
Kung kilala niyo ako, ako yung tao na mahilig alamin ang mga bagay na hindi ko alam, kaya nung nakita ko ang acronym na SMP, nangati kagad ang utak ko, gusto kong alamin kung ano ang meaning nito. Kung kilala niyo talaga ako, ako yung taong ma-pride sa mga ganitong bagay, hindi ko to tatanong kahit kanino dahil sa pag-iisip na baka masabihan ako ng tanga, bihira mo lang talaga ako maririnig na babanggitin ang mga katagang "ano meaning nun?", o "ano ibig sabihin nun?" except for sarcastic purposes.
So the quest to find the meaning of SMP begins!
I had to start from scratch and use everything in the status as clues. The words "isa ako" means na ang SMP ay isang grupo ng kung ano man, at ang word na "Mabuhay" indicates na masaya maging miyembro ng grupo na ito.
So what I'm searching for is a FUN GROUP.
Since nasa computer ako and may internet connection din kami, inuna ko nang "i-google" ang SMP… the result was…useless!
- (S)ymmetric (M)ulti(P)rocessing
- Symbolic Manipulation Program
- Socialist Millionaire Problem
- Software Management Professional (I should consider this since group to)
- Stable Marriage Problem
Next step is nagbrowse ako sa news feed ng facebook to look for clues. After 10mins of browsing nakakita ako ng clue! Merong nagcomment dun sa dati kong nakitang status about SMP! And the comment says *BAM BAM BAM....*:
"kasama ka pala sa Samahan na yan"
So medyo nalinawan ako sa letter S ng SMP. Samahan pala yun.
So kung Samahan ang letter S, so it's logical to think that adjective ang letter M at kung adjective ang M ibig sabihin meron siyang minomodify na noun, so probably ang letter P ay isang noun. Madaming pumasok na possible entries sa isip ko eto sila:
- Samahan Maraming Pera
- Samahan Merong Pera
- Samahan May Pera (hilig ko sa pera no?masaya kasi hinahanap, ano pa bang sasaya pa sa pera?)
- Samahan Malalaki Pwet (possibleng masaya to sa babae, ewan ko kung bakit gusto nila malaki pwet, baho naman!)
- Samahan Maraming Panahon
After ilang minutes ng kakaisip, meron akong nakita sa facebook na nag status na *BAM BAM BAM....*:
"SMP: Samahang Malalamig ang Pasko"
Damn! Of course! Well actually impossibleng maisip ko na yun ang sagot. Noong nalaman ko na ang sagot naisip ko na ang korny naman pala ng SMP at nagsisisi ako na nagsayang ako ng oras kakaisip kung ano ang meaning na hinayupak na SMP na yan.
And that's how I wasted my rest day. BOW
No comments:
Post a Comment