Sunday, December 19, 2010

Foods in the REF!

This happened long long long long time ago.

Kwento ko lang… Meron akong kasambahay dito sa bahay(Tito ko), na mahilig mag-iwan ng Brand New or Half- Finished na pagkain or drinks sa fridge.  Ang storya... tuwing nag-iiwan siya ng pagkain dun, laging kinakain ng mga tao na napapadaan lang sa ref namin, at ang lagi nyang linya pag nadadatnan niyang ubos o may bumawas sa food na iniwan niya sa ref…

"Sino tumira ng *insert food or beverage here* ko?!"

So for example Dunkin Donut:

"Sino tumira ng Donut ko!?"

Dried Mango

"Sino tumira ng Dried Mango ko!?"

Chocolate

 "Sino Tumira ng Chocolate ko!?!?!?!?"

Hindi na siya natuto na labelan ang pagkain niya ng "DON'T TOUCH!  POISONOUS". Ganun ginagawa ko sa mga iniiwan ko na pagkain sa ref eh, pero minsan meron paring PG(Punyetang Gutom)  na tumitira ng foods ko.  Minsan nga naisip ko lagyang ng pampurga yung mga iniiwan ko eh, kaso nga lang ayoko ng may labas pasok sa banyo since labas pasok ako sa banyo lalo na kung malamig ang panahon.

EEEEENIIIIWEEEEYYY….

One time naghahalungkat ako sa ref namin nang meron akong nakitang Virgin Cola in can na hindi pa nabubuksan sa ref, biglang tumakbo ang henyo ko na utak, agad kong inisip na hindi na muulit ang opportunity na to!
Kailangan kong mapasabi ang tito ko ng…*BAM BAM BAM*!

"Sino tumira ng VIRGIN ko!?"

Ang ginawa ko ininom ko agad yung cola, pagtapos nun naghantay ako sa sala para dumating tito ko.  Pagdating niya nakita ko na pagod ang tito ko, parang gusto uminom ng tubig, pinpakinggan ko at binuksan nya yung ref!  eto na guys!  Moment of truth na!  excited ako!  Naririnig ko ang yapak niya pababa papunta sa sala namin.  Pag baba niya, tumingin siya saken at…..  sorry guys hindi nya sinabi yung gusto kong sabihin niya…PERO!  May mas malupet siyang sinabi kaysa sa ineexpect ko!  eto ang sinabi niya….*BAM BAM BAM*!

"Kaninong Virgin to!?  Tirahin ko na ah!  Uhaw nako eh!"

BOOM! xD Ninja Out!



No comments:

Post a Comment