Friday, March 4, 2011

Watdapak STINKS?!

Isang araw pumasok ako… teka ulit.

 Araw araw pumapasok ako ng school, at isang araw sa mga araw-araw na pagpasok ko ng school.(yan ok na, baka makita ng nanay ko, sabihin di ako pumapasok).

Soweniwey… Sumakay ako sa jeep para pumasok, pagpasok ko ng jeep, dun ako sa "semi-dulo" part ng jeep umupo, kasi punong puno yung na-para ko.  Nag-iisa lang talaga ang upuan na yun at tadhana talaga na ang pwet ko ang magpapainit sa malambot at mainit or malamig na upuan na yun…dependa sa oras ng naging bakante ang upuan na yun.



Pag-upo ko dun sa jeep, meron akong napansin na kakaiba, ang dalawang katabi ko ay nakatakip ang ilong gamit ang panyo!  Pag tingin ko sa paligid ko eh para bang iniisip nila na mabaho ako, sumusulyap sulyap sakin ang mga kapwa pasahero ko at biglang magtatago ng maliit na tawa.  Kailangan ko sumimple ng amoy sa katawan ko para malaman ko kung ako ba talaga ang salarin!

Ang ginawa ko kinapit ko ang isang kamay ko sa jeep tapos kunwari inaantok-antok ako.  Onti-onti kong binabagsak-bagsak yung ulo ko malapit sa kili-kili area ko, with "pigil-bumagsak factor" syempre para swabe ang acting.
Pagtapos kong amoyin… wala naman akong naamoy, pagtapos ng kaliwa… kanang kili-kile naman, same procedure.
WALA PADIN!

Ano ba yung mabaho?  Ako ba talaga?  May naapakan bako na hindi kanais-nais?  Hindi ba ako nagshampoo?  May gumapang ba sa loob ng sumbrero ko at namatay dun?  May problema ba ang ilong ko?!  Sino?!  At ANO ANG MABAHO!?  Sabihin nyo!

Nakaisip naman ako ng solusyon sa sitwasyon at agad-agad kong isinakatuparan ang idea na ito.  Bumunot ako sa bulsa ko ng panyo, at tinakip ko din sa ilong ko, tapos kukunot ko yung noo ko na para bang may problema ako.
Sa ganoong paraan mananatiling misteryo kung sino ang mabaho…

Pagtapos ng ilang minuto, akala ko solid na ang plano ko na magkunwaring nababahuan din… kaso nga lang merong bumaba sa kabilang side ng jeep, agad agad namang lumipat yung katabi ko sa kaliwa na para bang hindi na kinakaya ang amoy.  MADERPAK!

Hindi lang yun!  Merong sumakay na isa pang pasahero at umupo dun sa bakanteng upuan sa tabi ko, pero pagtapos ng ilang minuto eh lumipat rin ng upuan.  Para bang ako talaga yung mabaho?  Ganon ba talaga ka sang sang ang amoy ko!?



Ang ginawa ko eh umupo ako dun sa bakanteng upuan na nilalayuan ng ibang tao.  Para atlis walang namamagitan na tao sakin.

Pag upo ko dun sa upuan na yun,Meron akong naamoy na sobrang BANTOT, as in!  to the maximum level!  Kung gusto mo ma-experience yung amoy na naamoy ko, ganito gawin mo, Kuha ka ng mga 20 na bulaklak na sobrang bango, 20 Pinakamabangong prutas, at 20 Pinakamabangong halaman…tapos kainin mo, hintayin mong lumabas sa pwet mo, tapos kung ano lumabas…amoyin mo.

Nadiskubre ko ang sikreto ng mabahong ano!?  Ano ang mabaho na yun?  Ang mabaho ay….*BAM BAM BAM*!  Ang Driver ng JEEP!  YEHEY!

Gumaan ang pakiramdam ko, parang gusto kong mag bugtong hininga, kaso nga lang mabaho, Napangiti ako ng sobrang laki sa nalaman ko, kaso nga lang inalis ko agad ang ngiti ko kasi tinitignan na ako ng mga tao.  Pinalitan ko ng WTF face ko.

BOW!

NINJA OUT!

1 comment:

  1. ala grbe fan nio n po aq sbra nio aq npatawa s mga kwento nio! sna po ndi po kau mgsawang mgkwento dhl sbrang nkakagudvibes.

    ReplyDelete