Thursday, October 28, 2010

BUS TRIP TO ILOCOS!

Last week pumunta ako ng Ilocos para umattend ng debut ng kaibigan ko.  Lapit diba?
Ok lang naman pumunta sa Ilocos, alam niyo naman mahilig ako sa adventure diba?  kung hindi niyo alam, ngayon alam niyo na.

Ang ayaw ko lang sa Ilocos eh yung biyahe papunta dun.  Naku!  Antagal 12hrs ata o 10hrs.  Nagcommute kami kaya sa Bus kami sumakay.  Nung una akala ko masaya yung Bus part kasi nga nung bata pa ako, laging enjoy yung Bus trip pag Field Trip.

Mga masasayang Gawain sa Bus pag Field Trip:
1. Kwentuhan
2. Kantahan
3. Tawanan
4. Bigayan ng Baon
5. Kulitan

Pag ginawa mo yang mga bagay na yan sa Bus papuntang Ilocos eto ang mga epekto:

1.Kwentuhan- Mauubusan kayo ng kwento.  Sa haba haba naman ng biyahe, baka pati mga hugis ng kulangot niyo nung grade 3 mapag usapan niyo pa.

2.Kantahan- Pag bigla kang kumanta sa Bus pag titinginan ka ng ibang mga pasahero.  Tska nakakaistorbo naman sa mga natutulog

3.Tawanan- tulad ng kantahan, hindi din to pwede malakas, ampangit naman tumawa ng hindi malakas diba?  para kang nagpapacute na malandi na ewan.  "Hihi" try mo tumawa ng "Hihi" sa inuman ninyo ng mga lalaki mong kaibigan, tignan natin kung hindi ka mapagtripan.

4.Bigayan ng Baon- sa tagal ng biyahe eh bka hindi pa kayo nkakaalis ng maynila ubos na lahat yan chichirya niyo.

5.Kulitan- mapapagod kayo sa kakakulitan.  Magkakapikunan lang kayo, lalo na pag pagod at inaantok ka na tapos may nangingiliti sayo na ewan.

13 kaming magkakaibigan na nasa Bus, tapos 2 lang ang pwedeng magkatabi.  So merong isang maswerteng may makakatabi na hindi niya kilala.  Lagi namin sa kanya sinasabi na baka amoy putok, o mukang manyakis na lalaki ang makakatabi niya, pero positive thinker siya, lagi niya sinasabi na chix ang makakatabi niya.

Alam niyo ba kung alin ang nakatabi niya?  Combined nung 2 naming theory.

Mukang manyakis na Babae(Chix) haha

Hindi naman mukang manyakis, hindi lang kagandahan.  Talagang inaabangan pa namin ang bawat pumapasok para lang malaman kung sino ang makakatabi niya eh.  Pag pasok nung babae, andami pang bitbit na plastic, tawanan kami eh, kaso yung tawa lang na tahimik, "hihi" lang para hindi mapahiya si ate.  Tapos naman for some reason after mga ilang minuto, biglang lumipat yung babae sa harapan ng Bus, nakaupo siya dun sa hagdan palabas ng Bus.  Maaring naasar siya sa mukha ng kaibigan ko, o marahil naman naramdaman niya na pinagtatawanan namin siya.  Who knows, hanggang ngayon nababalot padin ng misteryo ang paglipat ng misteryosang babae na yun.

Part 2 Stop Overs Sa biyahe meron kayong 3 stop overs.  And they all suck!

1st Stop Over: Karinderya and Mamihan in the Middle of Nowhere

Maliit na kainan sa gitna ng daan, sa gilid pala, kung sa daan nasagasaan sila diba?  Ang onti ng ulam sa karinderya, tapos yung ulam nila matabang, yung sabaw nila maalat, yung tubig nila matamis.  Nagkapalit palit ata mga ingredients nila nung ginagawa mga binebenta nila eh.

2nd Stop Over: Tindahan ng Bibingka

Tindahan to ng Bibingka.  Yun lang.  ay may banyo din pala!, bibingkahang may banyo.  Iba yung bibingka nila sa ilocos, hindi tulad ng bibingka natin na kinakain natin pag simbang gabi.  Sa kanila malagkit na bibingka, as in malagkit tapos maliliit.  Sa sobrang lagkit didikit sa bubong ng dila mo, tapos napakahirap tanggalin, matatanggal mo lang pag ginamit mo daliri mo.  Pero masarap naman, pag marami nga lang kinain mo mauumay ka.

3rd Stop Over: Ticket for Noodles

 Dito sa stop over na to ibibigay mo yung ticket sa bus at bibigyan ka nila ng Cup Noodles… oh diba?  yan ang tunay na "Instant Noodles!" get it?  Get it?  No?  haha Korny!  Grabe yung banyo dito sa stop over na to, sobrang dumi, meron nang tumutubo na kabute sa inidoro.  Gusto ko pa naman "magbawas" nung mga panahon na yun.  Kaso napakadumi ng inidoro di ako makaupo, ayun hindi tuloy ako NAKATAE ng bonggang bongga.

Pero after naman ng Bus Trip na yun, nakapunta na kami ng Ilocos, grabe ang ganda sa Ilocos, Foods, Sights, kaya it's all worth it naman.  Try niyo pumunta, at least handa na kayo sa kung ano ang haharapin niyo sa Bus trip diba? XD



No comments:

Post a Comment