Araw ng patay o araw ng mga santo? Hindi ko alam pero pag dating ng araw na ito ang tradisyon sa pamilya ko ay pupunta dapat kami sa sementeryo para bumisita sa mga pumanaw na kamag-anak namin(Tatay,Nanay at Ate ng Lolo ko). Meron din naman akong sariling tradisyon, tuwing November 1, nanunuod ako ng Horror movie of my choice(This year it's Session 9 by Brad Anderson. Watch it! It's insane!) para naman ma-feel ko ang Halloween spirit. Pinapanuod ko ang palabas na yun after namin pumunta galing sa sementeryo.
11:00am umalis na kami. Ganun talaga ang oras na punta namin dun para onti na lang daw ang tao at hindi na busy ang ibang family members. Pag dating namin, medyo onti na nga lang ang tao, puro bata na lang, mga teenagers na ginagawang tambayan ang sementeryo. Why the hell would they choose a cemetery for a place to hang-out? The place is boring and DEAD…get it? Dead? Hahaha Waley! Hindi naman sa nanlalait pero mga pormahan ng mga tumatambay sa sementeryo eh parang mga nakakatakot na mga jejemons. Mga naka-jersey tsinelas, mga babae naka maikling shorts, meron pa nga akong nakita na naka fur coat tapos shades eh, ang wirdo niya tapos naka taas noo pa siya. Hindi ko na tinitigan baka kasi maging Jejevampire, tapos pag kinagat ako magiging jeje-minion niya na ako.
Anyway, pumunta na kami sa puntod ng kamag-anak namin, medyo mahirap hanapin yun, kasi parang maze ang buong sementeryo. Tapos pag pumasok ka sa masikip na looban eh may mga lapida sa sahig, maapakan mo na ang mga patay, ok lang naman siguro umapak doon basta mag "excuse me" ka. No choice na din eh, wala ka nang maapakan na lupa, puro lapida na mismo mga sahig. Sino ba naman ang nagpalibing sa daan, pag ako namatay ayoko ng ganun.(Kung gusto niyo malaman kung ano gusto ko mangyari sa bangkay ko pag pumanaw na ako CLICK HERE)
Nakarating na kami sa destination, meron nang nauna samin na dumalaw kasi meron nang mga bulaklak at kandila doon. Nagtirik din kami ng kandila at naglagay ng bulaklak, yung lolo ko naman pinicturan ng cellphone niya yung puntod. Tinawag ako ng lolo ko at kinausap:
Tatay(Lolo): Bakit andilim?
Ako:
Tatay: Pano ba paliwanagin yung picture?
Ako: Bakit niyo po ba gusto picturan yan? Gagawin niyong profile picture sa facebook? Tapos lalagay niyo sa caption "Coming Soon"?
Tumawa yung ate ko sa sinabi ko, buti nalang hindi na gets ng lolo ko. haha.
Habang naghahantay kami doon inisip ko, pano kaya kung bigla ka nalang ma-resurrect habang nakalibing ka.
Paano ka makakalabas? Napaka-tibay ng bato na nakapaligid sayo, tapos napakahina mo pa, dahil hindi ka naman kumakain at nageexercise. Mamatay ka nlng ba uli? Kung halimbawa pumayag ako na ipalibing lalagyan ko ng surveillance camera tapos ipapamonitor ko sa mga kamag-anak ko, para if ever na mabuhay ako, alam nila.
After a few hours nagpaalam na kami sa kamag-anak namin at nag-chowking. Umuwi na kami at ako ay manonood pa ng Hororr Movie.
No comments:
Post a Comment