Sunday, November 28, 2010

The Dark side of POKEMONS!

Who's that Pokemon?
It'sssss *Insert Pokemon name here*

I got hold of my first pokemon game when I was in 3rd grade and it rocked my world!  I loved it and I played with it all day.  I love the idea of a world filled with pokemons, replacing our boring average animals into cute, super powered, and destructive pokemons.  I was so addicted to it that I never missed an episode of it, spend all of my lunch money on buying pokemon cards, and cried my eyes out so that my aunt would let me play another hour of pokemon.

10 years later I still love them.  There are exactly 493 pokemons and I know all of their names and powers.  I know, I'm a pathetic geek.  I once used "Hi miss, do you play pokemon?" as an opening line to have a conversation with a girl, the girl hopefully laughed, which is a good thing because I was expecting a WTF face towards me followed by a letter L on her forehead.  My friends laugh at me whenever they remember that I still love pokemons.

The reason why I love them so much is not because they are cute, cool, and cartoony…well maybe that's why I love them 10years ago, but now, the truth is I see pokemons so much differently today than then.  I see the pokemon universe as a very very dark universe.  I see the pokemon owners as evil gamblers who abuse their pokemons for fame and fun.  Imagine a pokemon wandering in the wilderness suddenly a trainer passess by and decided to catch that pokemon, first he must weaken the pokemon by attacking it until it's incapable of struggling, then the trainer will catch it by throwing a "poke ball", a small round device used to catch pokemons, it's insanely small, imagine yourself inside a ball, all day, until you are needed for battle.

After the trainer catches a pokemon, he forces it to battle other pokemons who has the abilty to Burn, Freeze, Paralyze, Poison and totally kill your pokemon.  After the match the pokemons are taken to a hospital for a quick heal and then eventually fight again.  If pokemons were real the PETA(People for the Ethical Treatment of Animals)
would probably be all over pokemon battles.  So remember guys, it's not that I'm childish that I love pokemon…it's because I'm evil.

Man this blog entry is a surefire way to bore non-geeky girls to death.
I used the word pokemon 26 times including the last word and the title.


The image is not mine so don't credit me for it...Credit goes to the owner who is so nice he/she probably won't sue me. =)

Sunday, November 7, 2010

When I die...I want my body to...

Eto mga choices ko na pwedeng paglagyan ko pag ako ay pumanaw na, di pa ako makapili eh:


  1. Cremate ako tapos isabog yung abo ko sa helicopter sa tuktok ng Bahay ng Pamilya ko, para alam nila na nandiyan lang ako.  Everytime na mapupuwing sila maalala nila ako.
  2. Yung bangkay ko lalagyan ng kung-ano man para hindi maagnas tapos ihihiga sa kama ko, yung hindi maayus na higa, yung medyo magulo para kunwari buhay pa ako.  Tapos lagyan ng kumot and laway para realistic.  Tapos sa taas ng kama ko nakalagay "Do not Disturb".  Para hindi ako mamiss ng mga kakilala ko diba? dun nalang sila bibisita, basta wag lang sila maingay kasi natutulog nako.
  3. Sunugin nila yung bangkay ko tapos kunwari hindi nila nahanap yung bangkay ko, bigla nalang nawala. Para gawan nila ako ng sarili kong horror legend diba?  kekwento nila sa mga anak nila ang 2ngkol sa hindi manahimik na kaluluwa ko.


Hindi pa ako makapili kung ano ang mas asteeg eh.  Basta ayoko ng ililibing sa lupa tapos uudin lang yung bangkay ko tapos magiipon lang ng damo yung lapida ko.  Natatakot din ako na baka nakawin ng mga grave robbers yung bangkay ko tapos ibenta sa palengke tapos gawing laman sa lugaw.

Naiimagine niyo ba yung scenario?

Customer: Lugaw nga bossing?

Tindero: May laman ba?

Customer: Syempre naman may laman!  Ano yun mangkok lang kakainin ko?

Tindero: Laman!  Karne!  Baboy!

Customer:Linawin mo kasi!  Ano ba meron?

Tindero: Puso, Tuwalya…

Customer Boring naman ng mga yun eh, wala bang kakaiba?

Tindero: ay eto laman loob ni James.

Customer: ay mukhang yummy yan ah.  Sige James special nalang.

Kung halimbawa man naging kaluluwa ako, o napunta sa heaven or hell.  Tapos nakita mo yung sarili mo na kinakain ng tao.  Diba parang napaka Disturbing?  Nanunuod ka nguyain ng kung sino man yung katawan mo.  Kaya talaga best choice ko na ang icremate, at least hindi na ako mag-aalala kung nasan na ang bangkay ko.


Yearly Cemetery Visit

Nov 1st:


Araw ng patay o araw ng mga santo?  Hindi ko alam pero pag dating ng araw na ito ang tradisyon sa pamilya ko ay pupunta dapat kami sa sementeryo para bumisita sa mga pumanaw na kamag-anak namin(Tatay,Nanay at Ate ng Lolo ko).  Meron din naman akong sariling tradisyon, tuwing November 1, nanunuod ako ng Horror movie of my choice(This year it's Session 9 by Brad Anderson.  Watch it!  It's insane!) para naman ma-feel ko ang Halloween spirit. Pinapanuod ko ang palabas na yun after namin pumunta galing sa sementeryo.

11:00am umalis na kami.  Ganun talaga ang oras na punta namin dun para onti na lang daw ang tao at hindi na busy ang ibang family members.  Pag dating namin, medyo onti na nga lang ang tao, puro bata na lang, mga teenagers na ginagawang tambayan ang sementeryo.  Why the hell would they choose a cemetery for a place to hang-out?  The place is boring and DEAD…get it?  Dead?  Hahaha Waley!  Hindi naman sa nanlalait pero mga pormahan ng mga tumatambay sa sementeryo eh parang mga nakakatakot na mga jejemons.  Mga naka-jersey tsinelas, mga babae naka maikling shorts, meron pa nga akong nakita na naka fur coat tapos shades eh, ang wirdo niya tapos naka taas noo pa siya.  Hindi ko na tinitigan baka kasi maging Jejevampire, tapos pag kinagat ako magiging jeje-minion niya na ako.

Anyway, pumunta na kami sa puntod ng kamag-anak namin, medyo mahirap hanapin yun, kasi parang maze ang buong sementeryo.  Tapos pag pumasok ka sa masikip na looban eh may mga lapida sa sahig, maapakan mo na ang mga patay, ok lang naman siguro umapak doon basta mag "excuse me" ka.  No choice na din eh, wala ka nang maapakan na lupa, puro lapida na mismo mga sahig.  Sino ba naman ang nagpalibing sa daan, pag ako namatay ayoko ng ganun.(Kung gusto niyo malaman kung ano gusto ko mangyari sa bangkay ko pag pumanaw na ako CLICK HERE)

Nakarating na kami sa destination, meron nang nauna samin na dumalaw kasi meron nang mga bulaklak at kandila doon.  Nagtirik din kami ng kandila at naglagay ng bulaklak, yung lolo ko naman pinicturan ng cellphone niya yung puntod.  Tinawag ako ng lolo ko at kinausap:

Tatay(Lolo): Bakit andilim?

Ako: gabi na po kasi ewan ko po

Tatay: Pano ba paliwanagin yung picture?

Ako: Bakit niyo po ba gusto picturan yan?  Gagawin niyong profile picture sa facebook?  Tapos lalagay niyo sa caption "Coming Soon"?

Tumawa yung ate ko sa sinabi ko, buti nalang hindi na gets ng lolo ko.  haha.

Habang naghahantay kami doon inisip ko, pano kaya kung bigla ka nalang ma-resurrect habang nakalibing ka.
Paano ka makakalabas?  Napaka-tibay ng bato na nakapaligid sayo, tapos napakahina mo pa, dahil hindi ka naman kumakain at nageexercise.  Mamatay ka nlng ba uli?  Kung halimbawa pumayag ako na ipalibing lalagyan ko ng surveillance camera tapos ipapamonitor ko sa mga kamag-anak ko, para if ever na mabuhay ako, alam nila.

After a few hours nagpaalam na kami sa kamag-anak namin at nag-chowking.  Umuwi na kami at ako ay manonood pa ng Hororr Movie.