Sunday, August 29, 2010

Ano daw?


Mga pinagsasabi ng mga pinoy na hindi ko ma-gets:


1.Lasang *insert creature here* naman tong *insert food, beverage or body part here*

Ang common na ginagamit na creature dito eh ang ipis.  Hindi ko talaga alam kung bakit ipis ang trip na trip nilang insekto pag dating sa lasahan pwede namang gumamit ng mga mas magaganda pang mga insekto o hayop diyan, bakit ayaw nila ng giraffe diba?  mas maganda!

Compare:

Ex:
" Dude 1: Ano ba tong beefstake na to lasang ipis!
  Dude 2: haha!  Nakatikim ka na ng ipis!

" Dude 1: Ano ba tong beefstake na to lasang giraffe!
  Dude 2: Woah!  You've tasted a giraffe before?!  That's awesome!

Mapipilitan pa mag english mga kakosa mo.Kung magsisinungalin ka din naman ng nalasahan mong hayop bakit hindi mo pa gawing asteeg diba?

2.Wag ka mauna bata ka pa!?

Mauuna san?  Lagi sinasabi ng mga kaibigan ko to, pag aalis na ako.  Nakikitawa nalang ako sabay mura eh, para kunwari gets ko, pero sa totoo lang gusto ko i-google yung sinabi niya pag dating ko ng bahay.

3.Wag ka magpaulan baka dumami ka!

Eto sigurado ako madaming hindi nakaka gets dito.  Pag sinasabihan ako nito, hindi ko na ineentertain ng tawa o kunwari gets ko eh.  Binibigyan ko nalang sila ng "WTF" face ko sabay tanong "bakit ba dadami?", hanggang ngayon wala padin nakakapagpaliwanag sakin kung bakit ako dadami pag nabasa ako ng ulan.

WTF face.Mas passionate yung WTF face ko.

4.Gising ka na tanghali na!

Naranasan mo na ba yung ginigising ka ng mga kasambahay mo tapos sinasabi nila na tanghali na?
pero pag tumingin ka sa orasan mo 10am palang.  Oo nga late ka na, pero hindi tanghali yun no!  Ang tanghali ay saktong 12pm, 60 seconds lang tumatagal yun, so kung gusto mo akong sabihan ng tanghali na, meron kang 1 minuto para sabihan ako kung hindi, sabihin mo nalng hapon na.

5.BV(paborito ng tropa ko, oo ikaw yun! tawa ka pa!)

Eto kalian ko lang nalaman yung meaning, akala ko talaga Baked Vegetables.
Yung BRB= Bright Red Blood, FC= Fried Chicken, GTG= Going to Gag*suka*(vomit suka ha! hindi vinegar suka! asim non)

Sinubukan ko try yung BV kasi parang cool gawing expression, pero hindi ko ma-express ang galit ko sa BV, mas solid parin talaga yung good ol' fashion BADTREEP POTEK!

Saturday, August 28, 2010

Kamot Kamot Lamok

Bwakanang lamok yan!  Pagka-dami dami!  Kagat dito, kagat doon!  Lahat na makitang exposed na laman tutuhugin ng bibig eh… sagwa naman nun.

Tapos nanghihimasok pa ng ilong ng may ilong.  Humihinga lang ako biglang umeksena sa harap ng ilong ko, na- vacuum tuloy siya into the depths of my nose.  Binuga ko ng binuga, pero nagkanda-buhol-buhol na siya sa buhok ng ilong ko.  Ayoko sana kamayin baka mapanis kaso kinakailangan na eh.  Sa sobrang panic ko, nadurog ko siya, kumalat tuloy ung dugo sa ilong ko.  Nagulat nalang lola ko sa itsura ko eh.

Ano ba talaga ang gamit mga lamok?

Eto ang mga na-kalap kung impormasyon tungkol sa kanila:

Mosquitos play an important role in the food chain.  Totally wiping them all would cause and ecosystem breakdown.  They provide thousands of larvae for tiny fishes.  Mosquitos are also food to toads,frogs,spiders, birds etc

Damn!  Di pala pwede ubusin sila.  Para ka nang pumatay ng buong gubat pag inubos mo lahat ng lamok.

Sabi ng ate ko at kaibigan.  Mag off lotion daw ako.  Bawal na kasi ako mag-kadengue kasi last one na daw bibingo nako.  Ang masama sa off lotion, ang lagkit sa katawan, amoy ewan pa.  pag nilagay ko sa legs ko nagiging straight yung mga buhok ko dun.

Mosquitos have buzzed around the world for over 100 million years.  So in short they even annoyed the dinosaurs which probably led to extinction. Kahit pala sila Alexander the Great, Magellan, Jesus Christ at Jose Rizal nilamok din ang bangis naman nila(lamok).

Hay nako lamok, higupin mo nalang sana taba ko, higupin mo dugo ko, basta wag ka mag-iwan ng lintek na sakit, o kaya sana wag makati.  Kung manghingi kayo ng maayos bibigyan ko kayo sa mangkok pa.  ayoko kasi yung bigla niyo nalang isusundot yung bibig niyo sa laman ko eh.

ang kalat ko talaga mag post. halo-halo na kalokohan ko.


Thursday, August 26, 2010

Public Transportation Diaries

Galeng to sa multiply account ko kaya pasensya kung pinilit sa blogspot ung mga smileys haha.


Matagal na akong pasahero… gusto ko talaga mag kakotse, sa tingin ko wala naman lalaki na hindi hinihiling ang pagkakaroon ng kotse.

Eto ang mga possible reasons(hindi to akin lahat ah):

*Iwas trapik(shortcut ka nalang sa mga secret route)
*Hindi na mamomroblema sa pamasahe(Gas naman poproblemahin pag meron na)
*Hindi na maghahantay at maghahanap ng maluwang na sasakyan 

*Iwas polusyon(Pag may kotse ka na, ikaw na ang gagawa ng polusyon)

*Hindi mo na kailangang magpapalet ng pera para makakuha ng exactong pambayad(Kupaloids rin kasi yung mga driver na ayaw magsukli)
*Iwas ang paglalakad ng malayo dahil lumampas na sa destinasyon 

*Iwas sa mga taong kupalogs. Dami talagang kabadtripan ng pagiging pasahero lalo na sa mga Jeep driver na Out of This World ang kakupalan. 

Yung:

*Tipong punung-puno na yung jeep niya gusto pa kumuha ng pasahero.

*Hindi nagsusukli… kunwari pa magtatangatangahan na hindi maalala na nagbayad ka.

*Sobrang may ear problem… “Manong para sa tabi, Manong para na po!, MANONG LAGPAS NA!, MANONG!  Layo na oh!  IHINTO NIYO NA!  MANONG!  MANONG!  Manganganak na ako!  Lalabas na!  TULONG HINOHOLDAP AKO NG JEEP DRIVER!  AYAW IHINTO!

Meron din naman mga kapwa mong pasahero na nakakabadtrip.

Yung tipong:

*Nakita kna sa harapan nga jeep nakasakay eh sisiksik pa ang sarili… hindi mo tuloy maeenjoy yung polluted na hangin at view ng byahe.
*Alam nang nasa dulo kayo pareho magpapaabot pa ng bayad.
*Hindi alam ang salitang DEODORANT… yung iba pa mga nakasando tapos ang hilig humawak sa hawakan… yung tipong mabibilang mo yung buhok niya sa kili-kile sa sobrang exposed.*Ayaw magaabot ng pambayad kahit na todo sigaw ka na ng “pakisuyo naman oh”… tapos babanat pa ng masamang tingin.(Kagatin ko mata nila eh)*Mukang Holdapper(hindi ka mapapakali pag may ganitong pasahaero ka nakasabay)
*Holdapper(Hindi na kelangan explain.  Mas nakakabadtrip to)

Papuntang School ko nung 1st year ako tatlo ang klase ng sasakyan ang mapagpipilian mo.

1.Jeep(Classic, Paborits ko, mahangin, kadalasan maluwang, mura at madaling mahanap.
2.FX(Sosyal, Airconditioned, medyo mahal, siksikan mga tao… hindi ka makakabunot ng cellphone, medyo mhrap makahanap, iwas holdap narin)3.Bus(Pang matagalang byahe, may airconditioned, meron din open windows, ticket ang pambayad.)
Pag puno na ang jeep pwedeng sumabit, pag puno naman ang bus pwede ka tumayo, pano kaya sa FX?  Pwede kayang dumapa sa likod?  Pano kung may pumasok pang isang pasahero?  Papatong ba dun sa unang nakadapa?
Sa paghahanap ng masasakyan, ang pinakamadaling hanapin ay ang jeep. Bukod sa marami eh, madali pang parahin.  Sa FX naman kadalasan eh puno, tapos medyo onti nga sila sa sinasakyan.  Sa Bus naman mahirap humanap at mahirap parahin, yung tipong sa laki nito eh hindi ka na mapapansin na pumapara, naka sarado pa yung windows kaya hindi ka pwedeng sumigaw, kung sakaling makita ka man eh kalahati palang ng pagsubok yun, kelangan mo pang tumakbo na parang may humahabol sayo na serial killer.  Hindi ko nga alam kung bakit kelangan tumakbo eh, basta nakita ko nalang na ginagawa nila, parang tradisyon siguro nila yun, parang automatic na pag may humintong bus eh kelangan mo tumakbo, parang yung batas na “splash zone” ata tawag dun, yung automatic sa mga lalaki na pagkatapos umihi sa banyo eh diretso kaagad sa hugasan ng kamay, “unwritten rule” kung baga, walang nagturo sayo pero alam mo na kaagad.
Pag sumakay ka ng jeep minsan may mga sasakay din na mga namamalimos na half pulubi half entertainer. 
Yung mga….  Nakalimutan ko yung tawag sa kanila eh… parang nakita ko sa sobre na binibigay nila na “ Ako po ay isang badjao na nanghihingi ng konting tulong” siguro Badjao sila… alam ko kasi ang mga Badjao eh ethnic group sila sa Pilipinas eh… kaso bakit sila napunta sa maynila?  Alam ko kasi sa mga probinsya lang sila eh….  Misteryo ng buhay.  Kadalasan ng mga namamalimos eh dalawa: isang drummer at isang manager/dancer/singer. 
Nagddrum ung isa habang ung isa eh nagbibigay ng sobre na lalagyan mo dapat ng pera, dati hindi ko gets kung para saan yung sobre, tapos nakita ko nalang yung isang babae na nilagyan ng barya.  Sasayaw yung nagbibigay ng sobre o kaya naman kakanta ng kanta na hindi mo maintindihan kung tagalog o ibang dialect, asteeg nga eh, minsan kung swerte ka eh sasayaw habang kumakanta parang Britney Spears.  Ayos naman yung paraan nila eh… kesa naman mamamalimos sila ng basta basta, eh di mag entertain nalang sila.  Kaya bigyan narin natin ng konting tulong.  Kung sabihin natin sa isang jeep eh may nag bigay ng limang piso tapos naka 20 jeeps sila sa isang araw instant 100 pesos kaagad.

Palakpakan naman diyan para sa mga Pasaherong Walang Kotse!
                JEEP NG PINAS
                  PANEEEEZZ! 

Tuesday, August 24, 2010

Spacing Out Diaries

Spacing Out Situations:


Where: Sakayan ng Jeep sa PCSO papuntang School

What: Sakay ako dapat ng Jeep tapos sabihin ko Morayta ako bababa.

What the F*ck:

Ako:"Manong bayad ho… sa PCSO lang po"


Driver: "ocge boy baba kana nandito na tayo"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Where: HRM department

What: magpapasa ako ng forms para sa NSTP

What the F*ck: imbes na sabihin ko "e2 na po yung forms" sa head ng department.  Nasabi ng traydor kong bibig "BAYAD PO" sabay abot ng papeles

Head ng HRM: "san ka bababa?"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Where: Tapat ng Gate ng FEU

What: Scan ko dapat ung I.D ko sa scanner, kaso hindi ko mahanap I.D ko sa bag ko, 1 minuto na ako halos nag hahalungkat.

What the F*ck: meron akong narinig na boses "kuya suot niyo po ung I.D.  niyo"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Where: Overpass ng Morayta

What: meron akong daily customer na nanlilimos dun, lagi ko siya binibigyan ng piso pag nadadaanan ko siya sa hagdan ng overpass

What the F*ck: Meron akong hawak na Fudgee Bar sa kanang kamay ko.  Imbes na magbigay ako ng piso, nabigay ko ung plastic ng Fudgee Bar.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Where: Kwarto

What: tinext ako ng kaibigan ko kung papasok daw ako, tapos nag text yung lola ko sakin na bumaba daw ako.

What the F*ck: natext ko sa lola ko "hindi ako papasok, wala akong nagawang assignment kagabi kasi pumunta kami kila Van"


Nanay(Lola): "HOY! PUMASOK KA!"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sino gusto makipag trade ng utak?





Friday, August 20, 2010

Ninja Like Me

NINJA CAT! WATTA!


Steps on Becoming a Ninja Like James Bianzon

Step 1: Be a smartass! 

Ang tunay na ninja hindi nagpapaloko at hindi nagpapalagpas ng pagkakataong magpasok ng magandang sarcastic remark!

Example:

Situation: Kakaakyat mo lang ng hagdan mula sa 1st floor hanggang 6th floor mano-mano walang elevator.  Pag akyat mo pawis ka at kapos sa hininga.

Not Ninja Dude: Pre, nakakapagod ba?

Ninja Dude:
*Catch your Breath, Stand Straight, Look him in the eye and say with all your remaining breath*:
AY HINDEEEHHHHHHHHHHHHHH!




Step 2: Be Stealthy as Possible!  Move with the Wind, Be Invisible.

Ang tunay na Ninja, nakakalampas sa guard ng university pag walang I.D., hindi nahuhuli ng magulang na umuuwi ng madaling araw, Ni-kelan hindi nahuhuli ng mga tao na nangungulangot at magaling tumakas sa mga B.I.  na kaibigan.

Step 3:  Live a Healthy Ninja Life 

"    No Smoking(babagal ang ninja moves mo pag puro usok ng sigarilyo)*WOAH!  It rhymes!  Fliptop!*
"    Exercise(wag mag elevator pag hindi naman ma'lalate)
"    Embrace Vitamin C(Pampalakas ng Immunity System, ang tunay na Ninja hindi nagkakasakit!)
"    Kain ng Maraming Pansit Canton(pampahaba ng buhay sabi ng lolo ko)
"    Wag puro mcdo!  Lagi nalang mcdo at KFC, kain naman kayo ng Kwek-Kwek at Kikiam makakatipid kayo.
May pakielam ako ninja ako eh!

Step 4:  Watch and Read Naruto Manga

Marami kayo matututunan na Ninja Moves dito, tska maganda storya niya.  Pero One Piece parin fave ko forevah!

Step 5: Everytime you attack you must say *Watta!* or *Hayah!*

it increases the attack power by 10% and it sounds more cooler.

Step 6: Know the Ninja Outfit.
For this step just follow this image I found on the internet.  Credits go to the owners.

Thursday, August 19, 2010

LMFAO Questions




YAWCH!(O.O)


                                       

Haha, Just Beat it!Beat it!Beat it!




This one is Just Sad... and embarassing.



This one is my Fave! Basag!



Well...It's less Gay that Juicy.


thanks to Yahoolaughs.com for the Images and the Proud People of Earth for the Questions.

Tuesday, August 17, 2010

End of the Line



Guy1: When you die?  Where do you think your soul will go to?

Guy2:Where will it need to go?  my life is over.  That's the end,*Poof!* it's gone.  I call it the Poof theory.

This is how I think… when you die… your so called soul will just vanish into nothingness, no heaven, no hell, no reincarnation, no becoming a star in the skies… just poof!

This past few months have reminded me how fragile life is, someone is always dying, it's like we are a balloon inside a room full of needles, opening a window can let in a good or bad type of breeze, if it is bad…you will be pushed against a needle on the wall and poof!, if it is a good type of wind it will carry you outside another window and into another room filled with yes!  Walls with needles!  It's almost a cycle moving from room to room but in the end there will be a room with no doors and one huge ass window. the end of the line.

A guy I know back when I was a kid died, some say he died from a nightmare but rumors say that he committed suicide because of his girlfriend.  Damn!  Imagine someone taking his own life away for some girl she loved, not her mother, not her sister, but her girlfriend.  I don't mean to talk ill of the dead, but I'm just pointing out the stupidity of an action like this, whoever is reading this, if ever you have an urge to commit suicide for anyone… don't!, no one wins if you killed yourself, your loved ones will cry, the one you died for will feel guilty and probably die from that.  I love Emo songs but I always hated Emo guys, I don't mean Emotional songs, I mean Emotive Rock and I don't mean normal Emo dudes, I mean the "severe" ones, the one that loves self mutilation and is obsessed with Razor Blades.

Another dude I know died of a Motorcycle accident, he was someone from my class, I'm not very close to him, but we talk sometimes, the W.H.O .(World Health Organization) states that nearly 1.2 million people die of road accidents every year and 40% of which are under 25 years old.  The Metro Manila Development Authority report showed that motorcycles have the highest fatality rate with 122 or 23.6 percent of total fatal accidents.  My uncle used to say to me to never buy a motorcycle because if ever you ran into an accident there are only two places that you'll probably end up, inside a hospital or in heaven drinking coffee with San Pedro.

A guy I heard of, died from a gunshot, he was 17 years old.  He was at the front of his house when he was hit with a bullet from a 9mm.  The shot was fired by a drunk cop looking for trouble.  What a mess!  Damn cop, I feel really sorry for the kid, at a young age he died, never even experienced the joy of tax paying, voting, and other boring stuff that adults do.

Ever since then I have been cautious, sometimes it irritates me.  It takes me a while to cross streets and to withdraw money from an ATM machine.  I even leave the jeep I'm riding if it's too empty.  I constantly look around for suspicious people, and it makes me look suspicious to other people.  Until one day I woke up, I said to myself:
"I think I'm not gonna' be a crazy paranoid today".

What I have learned is… Death is Inevitable, and you can't stop something that is Inevitable you can just delay it.
But spending your time working on delaying it can kill the enjoyment of living which will eventually lead to death… by… not living an Awesome Dangerous Kick-Ass Life!

So my new plan is just be awesome at this lifetime and hope that they will create a formula for immortality, so that I can buy it, or steal it.  To continue another Awesome Life.  Awesome huh?

To All of You People scared of Dying:

Live your life on the edge, it's more fun!  I'm not saying go walk on the middle of the street here, I'm just saying that SURVIVING ISN'T LIVING.

Man… This Blog is Boring!  Sorry folks.  Next time I'll blog about my Adventure with my Three Headed Horse to defeat the Evil Five Headed Emperor of the 8th dimension and save the beautiful princess who knows Kung Fu.

Now that would be something Exciting!

P.S.  my Balloon-In-A-Room-of-Needles metaphor was nominated as the most stupid metaphor of the century.

Beatbox Squirl

Ladies and Gentlemen I give You.....


The BeatBox Squirrel! WOOOHH!






Booya!

Thanks for billybifocals for the youtube vid and walk on the wild side for the original video.

My Freakin' Horoscope this Month




Etong linggo na ito medyo malas ako… hindi ko lang alam kung bakit, usually kasi swerte talaga ako, hindi ako sanay ng sunud-sunud yung malas ko.  Siguro kasi pinahiram ko sa kaibigan ko yung swerte ko, kawawa naman kasi siya eh, birthday month niya sobrang daming kamalasan nakukuha niya, kaya pinahiram ko muna siya.  Hindi ko alam kung totoo na napasa ko talaga sa kanya yung swerte ko, pero damn!, parang totoo tlga, since this week palang, naiwan ko ung fave cap ko sa White Ave, Nasira ung bagong bili ko na Shades, tska nawala ung lalagyan ng salamin ko.



Kanina lang to nangyari sakin:



Sa wallet ko merong 550 pesos, pauwi nako ng bahay, gusto ko mabaryahan yung 50 pesos ko para hindi na mahirapan magsukli ung mga jeepney drivers.(yes ganito ako kabait) eh di bumili ako ng siomai with rice tska ng softdrinks.  Sabi ni ate (3)tres daw isa yung siomai, yung rice 5 pesos naman ung kanin tapos ung softdrinks 12 pesos.  Na estimate ko na bali 32 pesos lahat lahat, 7 pesos lang naman kailangan ko para sa pamasahe.  Pag hain sakin ng pagkain ko binigyan ako ng sukli nung ale ng 3 pesos.  Sabi ko kulang, sabi nya sais(6) daw ang isang siomai!  Pagkakarinig ko tres lang!  bwakanang!  Eh di natira saken tatlong piso atsaka 500 pesos na papel, eh alanganaman bayad ko sa jeep 500 pesos na buo.  Sa sobrang dismay ko naumay ako sa siomai ng tunay (whoa!  It rhymes!  Fliptop na to!)







Pagsakay ko naman ng jeep, ambaho ng katabi ko! as in to the maximum level! para siyang taong grasa tapos pinasakay pa ng driver, masama pa nun nasa dulo ako tapos siya lang katabi ko, siksik na siksik ako. kung hindi pa yun masama, bigla ba naman ng preno ng bonggang bongga ung driver sobrang nadikit ako sa kanya, grabe wagas ung amoy niya pag concentrated! pag uwi ko diretso agad ako ng banyo para maligo ng walang bukas.

Sa bahay naman nagbasa ako ng diyaryo para tignan ung horoscope ko at eto ang nabasa ko:

“Scorpio: Very Low ang iyong energy level sa mga araw na ito, pero maari kang maging pinaka-worst enemy ng kahit sino kung ikaw ay hahamunin.  Kailangang kontrolin mo ang iyong temper upang hindi masangkot sa gulo, na maaring magdala sayo sa BILANGGUAN.  Masyado ring malakas ang iyong attraction sa opposite sex sa buwang ito pero malakas ang iyong pagnanais na mapag-isa kaya magiging madalas kang nasa bahay lamang na tila nagtatago.  Magiging maingat sa pagbubuntis, may mga indication na magiging abnormal o kakaiba ang anak mo.”

WTF?  Ibig sabihin isang buong buwan akong ganito?  Hahaha.  Parang isang malaking cosmic joke.  Tumatawa sakin ang buong universe.  :))





I thank google for the Motivational Poster and People's Tonite for the Horoscope.

Sunday, August 15, 2010

Crash Test Blog

Whoa! This site is awesome!

When i first came to this site I was confused whether it's called blogspot or blogger? I ran Blogspot.com on the address bar but it keeps redirecting to blogger.com? and now... I still am.

This blog site is more user friendly than multiply. Multiply was never my friend anyway, she's(yes she) just my photo dumpsite.

I tried Pimping my multiply blog site, but the site was just to stubborn to understand my very poor mental capacity. I'm not familiar with CSS and html codes, I never payed attention to my computer subject since my elementary days.

the best thing about this site is it's specifically for blogs, so minus the disturbance of other shits, i love how the mind of the google corp. works. Kudos to you guys!

This will be my new home for my stupid posts.