Sunday, August 29, 2010

Ano daw?


Mga pinagsasabi ng mga pinoy na hindi ko ma-gets:


1.Lasang *insert creature here* naman tong *insert food, beverage or body part here*

Ang common na ginagamit na creature dito eh ang ipis.  Hindi ko talaga alam kung bakit ipis ang trip na trip nilang insekto pag dating sa lasahan pwede namang gumamit ng mga mas magaganda pang mga insekto o hayop diyan, bakit ayaw nila ng giraffe diba?  mas maganda!

Compare:

Ex:
" Dude 1: Ano ba tong beefstake na to lasang ipis!
  Dude 2: haha!  Nakatikim ka na ng ipis!

" Dude 1: Ano ba tong beefstake na to lasang giraffe!
  Dude 2: Woah!  You've tasted a giraffe before?!  That's awesome!

Mapipilitan pa mag english mga kakosa mo.Kung magsisinungalin ka din naman ng nalasahan mong hayop bakit hindi mo pa gawing asteeg diba?

2.Wag ka mauna bata ka pa!?

Mauuna san?  Lagi sinasabi ng mga kaibigan ko to, pag aalis na ako.  Nakikitawa nalang ako sabay mura eh, para kunwari gets ko, pero sa totoo lang gusto ko i-google yung sinabi niya pag dating ko ng bahay.

3.Wag ka magpaulan baka dumami ka!

Eto sigurado ako madaming hindi nakaka gets dito.  Pag sinasabihan ako nito, hindi ko na ineentertain ng tawa o kunwari gets ko eh.  Binibigyan ko nalang sila ng "WTF" face ko sabay tanong "bakit ba dadami?", hanggang ngayon wala padin nakakapagpaliwanag sakin kung bakit ako dadami pag nabasa ako ng ulan.

WTF face.Mas passionate yung WTF face ko.

4.Gising ka na tanghali na!

Naranasan mo na ba yung ginigising ka ng mga kasambahay mo tapos sinasabi nila na tanghali na?
pero pag tumingin ka sa orasan mo 10am palang.  Oo nga late ka na, pero hindi tanghali yun no!  Ang tanghali ay saktong 12pm, 60 seconds lang tumatagal yun, so kung gusto mo akong sabihan ng tanghali na, meron kang 1 minuto para sabihan ako kung hindi, sabihin mo nalng hapon na.

5.BV(paborito ng tropa ko, oo ikaw yun! tawa ka pa!)

Eto kalian ko lang nalaman yung meaning, akala ko talaga Baked Vegetables.
Yung BRB= Bright Red Blood, FC= Fried Chicken, GTG= Going to Gag*suka*(vomit suka ha! hindi vinegar suka! asim non)

Sinubukan ko try yung BV kasi parang cool gawing expression, pero hindi ko ma-express ang galit ko sa BV, mas solid parin talaga yung good ol' fashion BADTREEP POTEK!

No comments:

Post a Comment