Saturday, September 4, 2010

The day BJ saved my Life

Yes BJ… alam mo ba yun?  Yun ang bumuhay saken!

Nagsimula ang araw ng normal lang… Normal na gising, normal na pasok sa school.

Nagsimula akong muntik mamatay noong bumili ako ng candy sa bilihan ng yosi.  Hindi ako nagyoyosi sakit sa baga lang abot dun, candy lang.(bumibili ako ng candy just in case na mawala yung bisa ng enervon ko at mawalan ako ng energy)

Eh di ayun galing akong room namin, naglalakad ako sa hagdan ng biglang nadulas ako!  Pero dahil sa kapangyarihan ng aking power balance bracelet at katabi kong foreigner student.  Nakatayo ako!  Mabilis ako kumapit sa mga katabi ko pag nadudulas kaya mag ingat kayo.  Kala niyo yun na yung death defying moment ko ah?  Di pa! wag excited!  eto palang…

Tapos nun, lumabas na ako ng school, tapos tatawid ako ng kalsada(uyyy excited mamatay ako!  Haha) tapos naisip ko wag nalang kasi hindi naman kailangan tumawid eh, hindi naman dun yung sakayan ko.(ASA!)

Tapos pagsakay ko ng jeep, nagbayad ako, ay umupo pala muna, tapos nagbayad na ako.  Ang wirdo naman nun kung nauna yung bayad ko sa upo ko.  Pag-upo ko, kinain ko na yung candy na binili ko(see 5th line nitong blog entry na to).  Mamaya hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla kong nalunok yung buong candy!
Wala pang masyadong bawas at buong buo!  Nabulunan ako, pero hindi yung hysterical na nabubulunan, chill parin ako.  Hindi ako nagpapahalata na nabubulunan ako, hindi naman masyadong barado eh, uncomfortable lang, pero hirap talaga ako huminga at pinagpapawisan ako sa hirap. Hinahantay ko nalang makababa ako ng jeep para makabili ako ng softdrinks.
Since hindi ako makapagsalita, hindi ako makakapag para sa driver, ang ginawa ko, pag hinto ng jeep para kumuha ng pasahero malapit samin, bigla akong baba ng jeep.

Pag baba ko ng jeep, naghanap agad ako ng tindahan!  At ayun!  Nakita ko siya!  Ang aking tiga pag ligtas!  Ang BJ!
Buko Juice!  Ang pinakamalapit na tindahan na nakita ko.  Naglabas ako ng sikwenta pesos at tinuro ko yung lalagyanan ng buko juice.  Naintindihan naman nung BJ vendor at binigyan niya agad ako ng isang baso.  Pag inom ko ng BJ, agad naman dumulas ang hinayupak na candy pababa ng aking sikmura.  Sobrang sarap sa pakiramdam ng makahinga ng maayos pagtapos ng pangyayari na yun.

Ang that's how BJ saved my life!  Bow!

No comments:

Post a Comment