Monday, September 27, 2010

Shiny Metal Teeth

Alam niyo ba yung mga taong merong perpektong ngipin?  Yung tipong sobrang aligned ng bawat ngipin at sa sobrang perpekto eh napapamangha ang mga tao pag ngumiti siya.  Well… ako… hindi ako kasama dun sa mga taong yun.  Meron akong sungki na ngipin at meron din akong MegaUltraSuper Partial Overbite.

Dahil nga sa aking unorganized na ngipin, nag decide ang aking mommy na magpalagay ako ng brace a few years back.  Mahal ang magpakabit ng brace umaabot ng 20k to 40k ang singilan ng dentista.  Ang masama pa sa paglalagay ng braces, kailangan mo siyang ingatan ng sobra dahil nga mahal siya, at ang mas masama pa dun, every month you have to go to the dentist for your monthly brace adjustment, and every time the dentist adjusts your braces it hurts like a mother**cker, as in sobra talagang sakit.  Hindi siya masakit na parang meron kang bulok na ngipin, masakit siya pag nakagat mo, sobrang sensitive niya sa pressure, ultimo marshmallow pag kinagat mo mangingisay ka sa sakit(O.A!haha) but true!.

Every month papalitan ng dentist ang goma ng braces mo at pwede ka minsan mamili ng kulay ng goma, kaso nga lang kahit na anong kulay ng goma mo muka paring may foreign object ang ngipin mo,parang laging trip ng mga tao na hulaan kung ano ang huling kinain mo eh.

Green: Kang Kong 
Black: Inihaw
Red:  Hotdog 
Yellow: TarTar 
Pink: Lipstck
White: wala pero madedefine ang pagkadilaw ng ngipin mo.
Mixed Color: Kanin Baboy kala niyo Fruit Salad no?

Naiimagine ko na pagkatanggal ng brace ko, one day bigla akong masasapak sa muka tapos matatanggalan ako ng ngipin.  Pucha parang sumapak ka ng 30k.  grabe pag nangyari yun, nako!  Iiyak talaga ako!  Sobrang sakit ng dinaanan mo tapos isang bagsakan lang nasayang lahat.  Happiness diba?

Just a Few More Months... Hang in there


No comments:

Post a Comment