Symptoms:
- Can't Eat
- Can't Sleep
- There's only One thing on your Mind
- Thinking of that One thing leaves your body in cold sweat
- Vomitting and Diarrhea
Pag College ka na, hindi na papapuntahin ang magulang mo para kunin ang grades mo. Ang grade na ang kakatok sa pinto niyo para manggulo ng buhay mo. Ang best part sa grade delivery ay yung pagiging unexpected at undetermined na date kung kailan dadating sa bahay mo. Kaya hindi mo siya pwedeng abangan, ang tamang technique para sa mga ganitong sitwasyon ay maghantay ka lang ng kaibigan mo na magbalita na magsabi ng "ay pare! Dumating na yung grade ko nung last sem, nakuha ng tatay ko" pag narinig mo na ang mga katagang ito, ibig sabihin maghanda ka na, gawin mo na ang lahat ng pwede mong gawin para hindi umabot sa kamay ng mga magulang mo ang grades mo.
- Umuwi ng Maaga- tumanggi ka muna sa mga inuman at kung ano ano pang mga gimik para maabangan mo ng maayus yung mail man.
- Tanggaling ang number ng address ng bahay niyo kung natatanggal -yung number lang, para mahirapan yung mail man maghanap ng bahay niyo, kung nakapaint naman yung number niyo sa pader, takpan niyo nalang ng poster.
- Magpagood-Shot as much as Possible -eto ang magsisilbing unan sa sahig pag sakaling nakuha ng magulang mo yung grades mo.
Hindi naman sa mababa lahat ng grades ko at puro bagsak, bihira lang ako bumagsak, kaso nga lang napakataas ng standars ng lolo ko. Ayaw niya ng nakakakita ng grade na dos(2) nung highschool naman ako bawal 85 pababa.
Lolo kong Pogi: Bakit ganito grade mo? May tres?! Kala ko ba nag-aaral ka ng mabuti?
James
No comments:
Post a Comment