Matagal na akong pasahero… gusto ko talaga mag kakotse, sa tingin ko wala naman lalaki na hindi hinihiling ang pagkakaroon ng kotse.
Eto ang mga possible reasons(hindi to akin lahat ah):
*Iwas trapik(shortcut ka nalang sa mga secret route)
*Hindi na mamomroblema sa pamasahe(Gas naman poproblemahin pag meron na)
*Hindi na maghahantay at maghahanap ng maluwang na sasakyan
*Iwas polusyon(Pag may kotse ka na, ikaw na ang gagawa ng polusyon)
*Hindi mo na kailangang magpapalet ng pera para makakuha ng exactong pambayad(Kupaloids rin kasi yung mga driver na ayaw magsukli)
*Iwas ang paglalakad ng malayo dahil lumampas na sa destinasyon
*Iwas sa mga taong kupalogs. Dami talagang kabadtripan ng pagiging pasahero lalo na sa mga Jeep driver na Out of This World ang kakupalan.
Yung:
*Tipong punung-puno na yung jeep niya gusto pa kumuha ng pasahero.
*Hindi nagsusukli… kunwari pa magtatangatangahan na hindi maalala na nagbayad ka.
*Sobrang may ear problem… “Manong para sa tabi, Manong para na po!, MANONG LAGPAS NA!, MANONG! Layo na oh! IHINTO NIYO NA! MANONG! MANONG! Manganganak na ako! Lalabas na! TULONG HINOHOLDAP AKO NG JEEP DRIVER! AYAW IHINTO!
Meron din naman mga kapwa mong pasahero na nakakabadtrip.
Yung tipong:
*Nakita kna sa harapan nga jeep nakasakay eh sisiksik pa ang sarili… hindi mo tuloy maeenjoy yung polluted na hangin at view ng byahe.
*Alam nang nasa dulo kayo pareho magpapaabot pa ng bayad.
*Hindi alam ang salitang DEODORANT… yung iba pa mga nakasando tapos ang hilig humawak sa hawakan… yung tipong mabibilang mo yung buhok niya sa kili-kile sa sobrang exposed.


*Holdapper(Hindi na kelangan explain. Mas nakakabadtrip to)
Papuntang School ko nung 1st year ako tatlo ang klase ng sasakyan ang mapagpipilian mo.
1.Jeep(Classic, Paborits ko, mahangin, kadalasan maluwang, mura at madaling mahanap.
2.FX(Sosyal, Airconditioned, medyo mahal, siksikan mga tao… hindi ka makakabunot ng cellphone, medyo mhrap makahanap, iwas holdap narin)

Pag puno na ang jeep pwedeng sumabit, pag puno naman ang bus pwede ka tumayo, pano kaya sa FX? Pwede kayang dumapa sa likod? Pano kung may pumasok pang isang pasahero? Papatong ba dun sa unang nakadapa?
Sa paghahanap ng masasakyan, ang pinakamadaling hanapin ay ang jeep. Bukod sa marami eh, madali pang parahin. Sa FX naman kadalasan eh puno, tapos medyo onti nga sila sa sinasakyan. Sa Bus naman mahirap humanap at mahirap parahin, yung tipong sa laki nito eh hindi ka na mapapansin na pumapara, naka sarado pa yung windows kaya hindi ka pwedeng sumigaw, kung sakaling makita ka man eh kalahati palang ng pagsubok yun, kelangan mo pang tumakbo na parang may humahabol sayo na serial killer. Hindi ko nga alam kung bakit kelangan tumakbo eh, basta nakita ko nalang na ginagawa nila, parang tradisyon siguro nila yun, parang automatic na pag may humintong bus eh kelangan mo tumakbo, parang yung batas na “splash zone” ata tawag dun, yung automatic sa mga lalaki na pagkatapos umihi sa banyo eh diretso kaagad sa hugasan ng kamay, “unwritten rule” kung baga, walang nagturo sayo pero alam mo na kaagad.
Pag sumakay ka ng jeep minsan may mga sasakay din na mga namamalimos na half pulubi half entertainer.
Yung mga…. Nakalimutan ko yung tawag sa kanila eh… parang nakita ko sa sobre na binibigay nila na “ Ako po ay isang badjao na nanghihingi ng konting tulong” siguro Badjao sila… alam ko kasi ang mga Badjao eh ethnic group sila sa Pilipinas eh… kaso bakit sila napunta sa maynila? Alam ko kasi sa mga probinsya lang sila eh…. Misteryo ng buhay. Kadalasan ng mga namamalimos eh dalawa: isang drummer at isang manager/dancer/singer.
Nagddrum ung isa habang ung isa eh nagbibigay ng sobre na lalagyan mo dapat ng pera, dati hindi ko gets kung para saan yung sobre, tapos nakita ko nalang yung isang babae na nilagyan ng barya. Sasayaw yung nagbibigay ng sobre o kaya naman kakanta ng kanta na hindi mo maintindihan kung tagalog o ibang dialect, asteeg nga eh, minsan kung swerte ka eh sasayaw habang kumakanta parang Britney Spears. Ayos naman yung paraan nila eh… kesa naman mamamalimos sila ng basta basta, eh di mag entertain nalang sila. Kaya bigyan narin natin ng konting tulong. Kung sabihin natin sa isang jeep eh may nag bigay ng limang piso tapos naka 20 jeeps sila sa isang araw instant 100 pesos kaagad.
Palakpakan naman diyan para sa mga Pasaherong Walang Kotse!

PANEEEEZZ!
No comments:
Post a Comment