Saturday, August 28, 2010

Kamot Kamot Lamok

Bwakanang lamok yan!  Pagka-dami dami!  Kagat dito, kagat doon!  Lahat na makitang exposed na laman tutuhugin ng bibig eh… sagwa naman nun.

Tapos nanghihimasok pa ng ilong ng may ilong.  Humihinga lang ako biglang umeksena sa harap ng ilong ko, na- vacuum tuloy siya into the depths of my nose.  Binuga ko ng binuga, pero nagkanda-buhol-buhol na siya sa buhok ng ilong ko.  Ayoko sana kamayin baka mapanis kaso kinakailangan na eh.  Sa sobrang panic ko, nadurog ko siya, kumalat tuloy ung dugo sa ilong ko.  Nagulat nalang lola ko sa itsura ko eh.

Ano ba talaga ang gamit mga lamok?

Eto ang mga na-kalap kung impormasyon tungkol sa kanila:

Mosquitos play an important role in the food chain.  Totally wiping them all would cause and ecosystem breakdown.  They provide thousands of larvae for tiny fishes.  Mosquitos are also food to toads,frogs,spiders, birds etc

Damn!  Di pala pwede ubusin sila.  Para ka nang pumatay ng buong gubat pag inubos mo lahat ng lamok.

Sabi ng ate ko at kaibigan.  Mag off lotion daw ako.  Bawal na kasi ako mag-kadengue kasi last one na daw bibingo nako.  Ang masama sa off lotion, ang lagkit sa katawan, amoy ewan pa.  pag nilagay ko sa legs ko nagiging straight yung mga buhok ko dun.

Mosquitos have buzzed around the world for over 100 million years.  So in short they even annoyed the dinosaurs which probably led to extinction. Kahit pala sila Alexander the Great, Magellan, Jesus Christ at Jose Rizal nilamok din ang bangis naman nila(lamok).

Hay nako lamok, higupin mo nalang sana taba ko, higupin mo dugo ko, basta wag ka mag-iwan ng lintek na sakit, o kaya sana wag makati.  Kung manghingi kayo ng maayos bibigyan ko kayo sa mangkok pa.  ayoko kasi yung bigla niyo nalang isusundot yung bibig niyo sa laman ko eh.

ang kalat ko talaga mag post. halo-halo na kalokohan ko.


No comments:

Post a Comment