Friday, December 24, 2010

Santa Memories

Naalala ko noong bata pa ako… nagsasabit kami ng ate ko ng mejas sa bintana namin tuwing Christmas Eve, hindi yung mejas na nakikita niyo sa American cartoon o sa mga American movies ah, just plain, long, not even red, blue socks.

Sasabit ko yun sa bintana, hihiga sa kama, at pipiliting wag makatulog para makita ko ang itsura ni santa, marami kasi akong katanungan tungkol sa kanya eh tulad ng:

1. Talaga bang mataba siya?

2. Ano Nationality niya?  Baka kasi merong santa bawat bansa eh.

3. Kung mataba siya, pano siya nakakalusot sa mga bintana o chimney?

4. San niya ipapark yung reindeer powered sled nya?

Makulit ako at matanungin nung bata ako, kaya dami naasar sakin na mga matatanda.

Anyway habang pinipilit ko hindi makatulog, bigla nalang ako magugulat na ginigising nako ng mga tao samin dahil pasko na.  Pagtingin ko sa bintana meron ngang laman yung mejas.  May nakasabit na laruan sa labas, tapos sa loob ng mejas merong 3 pirasong malaking bilog.  Habang nakatingin ako sa mejas andaming lumabas sa isip ko kung ano ba yung tatlong bilog na yun.  And then… it hit me!  OMYGOD!  Could it be!?  Natuwa ako nung may idea na pumasok sa isip ko!  inisip ko ang laman ng mejas ay…*BAMBAMBAM*

POKEBALLS!

You know?  Yung ginagamit ng mga trainers para humuli ng pokemon.  Hindi ko siya hiniling pero kung yun nga binigay sakin that would be awesome!  Manghuhuli ako ng mga hayop tapos gagawin kong pokemon.  Or at least laruan lang na pokemon whichever works, kahit bata ako skeptical na ako, hindi ako madaling maniwala lalo na pag galing sa t.v.

Na-excite ako tumakbo ako sa mejas at binaliktad ito alam niyo ba ang lumabas?

2 Orange at 1 Apple!

Prutas mga pare!  Prutas!  Walang kwentang prutas.  I was so shocked, nung bumagsak yung mga prutas sa sahig at gumulong.  I had my WTF face on.  Hindi ko kinain yung 3 prutas kasi una sa lahat galing siya mejas, pangalawa hindi ko alam kung san siya galing bago siya mapunta sa mejas ko.

After another year, narealize ko na hindi totoo si Santa dahil:

1. Sinabi ng kapitbahay kong sadista na hindi daw totoo si Santa

2. Imposibleng dumaan siya sa street namin at pumasok sa bahay namin, gugulpihin siya ng mga tambay dito sa tapat ng bahay.

3. Imposibleng ang isang matabang, balbas saradong lalaki, ay makakapasok sa mga bahay ng milyong milyong tao ng hindi nararamdaman.  Mas ninja pa siya sakin nun.

4. Flying Reindeer?  Pfft please!

Since then hindi na ako naniwala kay santa….Pero nagsasabit parin ako ng mejas just for the toys.  Kung sino man naglalagay ng mga laruan sa mejas ay napakatigas ng ulo!  Halata namang ayaw ko ng prutas lagay parin ng lagay!  Nagsabit ako ng mejas until I was in grade 5, narealize na kasi nila na hindi ako naniniwala eh.

And that's how I remember my childhood…Sa mga naniniwala kay santa hanggang ngayon…Sorry to break your balls.  Merry Christmas. NINJA OUT!

Sunday, December 19, 2010

Foods in the REF!

This happened long long long long time ago.

Kwento ko lang… Meron akong kasambahay dito sa bahay(Tito ko), na mahilig mag-iwan ng Brand New or Half- Finished na pagkain or drinks sa fridge.  Ang storya... tuwing nag-iiwan siya ng pagkain dun, laging kinakain ng mga tao na napapadaan lang sa ref namin, at ang lagi nyang linya pag nadadatnan niyang ubos o may bumawas sa food na iniwan niya sa ref…

"Sino tumira ng *insert food or beverage here* ko?!"

So for example Dunkin Donut:

"Sino tumira ng Donut ko!?"

Dried Mango

"Sino tumira ng Dried Mango ko!?"

Chocolate

 "Sino Tumira ng Chocolate ko!?!?!?!?"

Hindi na siya natuto na labelan ang pagkain niya ng "DON'T TOUCH!  POISONOUS". Ganun ginagawa ko sa mga iniiwan ko na pagkain sa ref eh, pero minsan meron paring PG(Punyetang Gutom)  na tumitira ng foods ko.  Minsan nga naisip ko lagyang ng pampurga yung mga iniiwan ko eh, kaso nga lang ayoko ng may labas pasok sa banyo since labas pasok ako sa banyo lalo na kung malamig ang panahon.

EEEEENIIIIWEEEEYYY….

One time naghahalungkat ako sa ref namin nang meron akong nakitang Virgin Cola in can na hindi pa nabubuksan sa ref, biglang tumakbo ang henyo ko na utak, agad kong inisip na hindi na muulit ang opportunity na to!
Kailangan kong mapasabi ang tito ko ng…*BAM BAM BAM*!

"Sino tumira ng VIRGIN ko!?"

Ang ginawa ko ininom ko agad yung cola, pagtapos nun naghantay ako sa sala para dumating tito ko.  Pagdating niya nakita ko na pagod ang tito ko, parang gusto uminom ng tubig, pinpakinggan ko at binuksan nya yung ref!  eto na guys!  Moment of truth na!  excited ako!  Naririnig ko ang yapak niya pababa papunta sa sala namin.  Pag baba niya, tumingin siya saken at…..  sorry guys hindi nya sinabi yung gusto kong sabihin niya…PERO!  May mas malupet siyang sinabi kaysa sa ineexpect ko!  eto ang sinabi niya….*BAM BAM BAM*!

"Kaninong Virgin to!?  Tirahin ko na ah!  Uhaw nako eh!"

BOOM! xD Ninja Out!



Pinoy Theme Parks

In the Philippines there's not that many theme parks...in fact… I think I only know 4.  Star City, Enchanted Kingdom, Paskong Pasiklab, Boom na Boom.  Scratch the last one because I think Boom na Boom closed a few years ago.

BANTOT!  Tagalog nalang!

Sa Pilipinas kakaunti lamang ang mga Parkeng may Tema(WAHAHA).  Sa totoo lang, 4 lang ata ang nagugunita ko.
Star City, Enchanted Kingdom, Paskong Pasiklab at Boom na Boom.  Inyong alisin na ang huli kong sinabi dahil sa aking pagkakaalam ay ang Boom na Boom ay naglaho mga ilang taon na ang nakalipas.(baduy paden)

Based on my Experience

Star City: 10 Stars.

Astig mga rides
mahal bilihin
mas malapit kesa sa EK.
Pambato: Star Flyer 



EK:10 Stars din.

Astig mga Rides
Mahal Bilihin
Malayo(samin)
Pambato:Space Shuttle


Paskong Pasiklab: 2 Stars.

Sakto lang mga rides pare pareho halos
Hindi kamahalaan ang bilihin
Medyo malapit(Samin)
Pambato: Octopus(Parang matatanggal na yung harang kaya exciting din)


Boom na Boom (Parang Perya to.) 1 Star

Baduy ng mga rides(Opinion ko lang)
Hindi ko maalala kung mahal ba o mura bilihin
Medyo malapit
Pambato: Raw-Chicken Eating Woman(Panuorin niyo lang kumain yung babae ng manok, dami dami ko nakikita na kumakain ng manok eh, kaso piniprito muna)
Wala ako makita na babaeng kumakaen ng buhay na manok...instead eto nalang HOT girl eating Fried Chicken. Ohh lala!

Yan ang Rankings ko sa mga theme park. BOW. Bakit ko Nirank? wala ako magawa eh. Ninja Out!


Sunday, December 5, 2010

SMP??

Late November noon nung nagbo-browse ako sa facebook, wala namang bago, paulit-ulit lang ang balita sa mga friends ko, until nakakita ako ng isang acronym na gugulo sa buhay ko at uubusin ang thinking time ko…yun ay ang status ng kaibigan ko na *BAM BAM BAM....*

"isa ako sa mga SMP!  Mabuhay!"

Kung kilala niyo ako, ako yung tao na mahilig alamin ang mga bagay na hindi ko alam, kaya nung nakita ko ang acronym na SMP, nangati kagad ang utak ko, gusto kong alamin kung ano ang meaning nito.  Kung kilala niyo talaga ako, ako yung taong ma-pride sa mga ganitong bagay, hindi ko to tatanong kahit kanino dahil sa pag-iisip na baka masabihan ako ng tanga, bihira mo lang talaga ako maririnig na babanggitin ang mga katagang "ano meaning nun?", o "ano ibig sabihin nun?" except for sarcastic purposes.

So the quest to find the meaning of SMP begins!

I had to start from scratch and use everything in the status as clues.  The words "isa ako" means na ang SMP ay isang grupo ng kung ano man, at ang word na "Mabuhay" indicates na masaya maging miyembro ng grupo na ito.
So what I'm searching for is a FUN GROUP.

Since nasa computer ako and may internet connection din kami, inuna ko nang "i-google" ang SMP… the result was…useless!


  • (S)ymmetric (M)ulti(P)rocessing 
  • Symbolic Manipulation Program 
  • Socialist Millionaire Problem 
  • Software Management Professional (I should consider this since group to)
  • Stable Marriage Problem 
Obviously wrong kinds of SMP.  Google wasn't helpful, so I'm thinking pang-small time lang siya, tulad ng jejemon, pang pinas lang.

Next step is nagbrowse ako sa news feed ng facebook to look for clues.  After 10mins of browsing nakakita ako ng clue!  Merong nagcomment dun sa dati kong nakitang status about SMP!  And the comment says *BAM BAM BAM....*:

"kasama ka pala sa Samahan na yan"

So medyo nalinawan ako sa letter S ng SMP.  Samahan pala yun.

So kung Samahan ang letter S, so it's logical to think that adjective ang letter M at kung adjective ang M ibig sabihin meron siyang minomodify na noun, so probably ang letter P ay isang noun.  Madaming pumasok na possible entries sa isip ko eto sila:

  • Samahan Maraming Pera 
  • Samahan Merong Pera 
  • Samahan May Pera (hilig ko sa pera no?masaya kasi hinahanap, ano pa bang sasaya pa sa pera?)
  • Samahan Malalaki Pwet (possibleng masaya to sa babae, ewan ko kung bakit gusto nila malaki pwet, baho naman!)
  • Samahan Maraming Panahon 
Marami pa ako naisip kaso lang yung iba bastos kaya eto nalang.In my defense... marami talagang bastos na adjective na nagsisimula sa letter "M" at marami ring bastos na nagsisimula sa letter "P", mapatagalog o mapa-english pa. oh diba! nakaisip ka na! libug mo!

After ilang minutes ng kakaisip, meron akong nakita sa facebook na nag status na *BAM BAM BAM....*:

"SMP: Samahang Malalamig ang Pasko"

Damn!  Of course!  Well actually impossibleng maisip ko na yun ang sagot.  Noong nalaman ko na ang sagot naisip ko na ang korny naman pala ng SMP at nagsisisi ako na nagsayang ako ng oras kakaisip kung ano ang meaning na hinayupak na SMP na yan.

And that's how I wasted my rest day.  BOW