Wednesday, March 30, 2011

NBI Clearance

March 30th

5:00am... Ginising ako ng ate ko, sabi niya pupunta daw kaming NBI... wala akong paki... tulog ulet...after 5mins... Ginising ako ng Mama ko, sabi niya pupunta daw kaming NBI...may paki nako... Bangon, Kain, Ligo, Toothbrush and alldatshit.

Pumunta kami sa Monumento para kumuha ng NBI clearance namin... Pagdating namin sa destinasyon... Sinalubong kami ng mga opportunista na nagbebenta ng sedula.... para daw sa NBI clearance yun...hindi kami naniwala kasi naka jersey at jejecap combo yung nagtitinda... akyat kami sa 5th floor ng V-mall, pakshet, di pa gumagana ang escalator at elevator... Mano-mano tuloy kami umakyat....

Pag akyat namin, wala pa masyadong tao... bearable naman.

Step 1: Data Entry Check

Ibig sabihin neto, ichecheck nila ang nakalagay sa application form mo, para hindi ka na pabalik balik, sa una 1 lang ang pila nito....pero maya maya nagbubukas sila ng window para mas mabilis... pabor naman sakin yun, dahil medyo malayo layo ako sa pila... bawat bukas ng window nababad3p yung mga nasaharapan, at nauuna pa yung mga huling gumising. Hahahaha... Losers.

Step 2: Payment

Bayaran mo yung NBI clearance... eto ang pinakabwakanang matagal na pila sa buong proseso. 2 lang ang window at ambagal ng galawan ng pila. Tulad ng unang pila 1 lang ang window na nakabukas, pero maya maya may bumukas na isa pang window, kaya masaya ako, kasi mabilis ang ninja powers ko... pero kahit na umurong nako sa medyo malapit...napakatagal parin ng galawan.

After a few minutes biglang nag announce sila na... kung meron kang 100 peso bill at tatlong 5 peso coin... pwede ka nang dumiretso sa Automated Payment Machine... Bigla akong tingin sa wallet... P100... YES! kapa sa bulsa... shet! wala akong barya! Nakita ko ang mga tao na dumiretso sa machine... ambilis ng galawan dun... kakainggit, sana sumabog yung machine at masunong form nila... please?. kahit gano kabilis ang ninja niyo... sa barya barya magkakatalo eh. Bad3p!

30mins na ako sa pila... medyo malayo padin... kinakausap ako ng nasa harapan ko... maliit na lalaki... bisaya... at bakla. Kinkwentohan ako tungkol sa anak niyang babae na gusto niyang makita... mabait daw, masipag at laging sumusunod sa utos... in short....panget. Paulit ulit lang ang reply ko...*Ngiti* sabay oo. Andami niyang nakwento sakin, nangawit leeg ko ng kakayuko sa kanya, Nangawit ilong ko dahil sa amoy ng buhok niya...amoy GEL! Whothefuck still uses hair gel?! Nangawit din ang tenga ko dahil sobrang bilis niya magsalita, bisaya pa, tapos baklang bakla pa yung accent, hirap intindihin. "Nagwashingwashing siya blah blah blah"

Yung nasa harapan naman niya... Tahimik na tao. Siya yung tinatanungan ko ng mga gusto kong malaman... Nagtatanong ako sa kanya... pero pag nagtatanong ako feeling ko may "Word" ako sa noo... parang pinoy henyo... ang sagot niya sakin "Oo", "Hindi" at "Di' ko alam" lang. Feeling ko tuloy ako yung baklang bisaya.

50mins na... walang magawa... nanahimik na yung bakla. Napansin niya ata na wala akong interes sa sinasabi niya... o kaya naman napagod siya dahil 1k Wpm(Words per minute) yung salita niya. Meron akong laro na ginagawa pag bored ako sa pila... tawag ko dun "Head Game" actually hindi ganon tawag ko, pero ngayon inimbento ko na kasi walang pangalan yung larong yun eh.

How to Play Head Game

Tingin ka sa mga nasa harapan mo... tapos hanapin mo ang taong merong pinakamalaking ulo at irank mo sila according to size.

Criteria

Huge'ness: 40%
Funny Head Shape: 10%
Funny Hairstyle: 10%
Poknat: 40%

Malakas na pambatak ang poknat... kadalasan nanalo ang mga maliliit na ulo kesa sa malalaki dahil sa poknat nila...

Habang nasa pila ako... merong dumaan na pulis... dirediretso lang siya sa window, immune siya sa pila. WTF!? masama pa non, habang nag eexit siya, naka ngiti siya samen. Gusto ko nga patirin yung paa pagdaan sakin eh... tapos turo ko yung bakla. Haha. Napangiti ako sa ganda ng idea ko. Tapos napatingin sakin yung bakla, nawirduhan sa ngiti ko, sabay tawa.

Step 3: Fingerprinting

Lalagayan lang ng fingerprint yung form mo. FingerprintS pala dahil buong daliri. Grabe sobrang bilis ng proseso dito. magbayad ka lang ng 2 pesos sa mama na nasa tabi ng parang Ink Tablet tapos hahablutin niya kamay mo, relax ka lang, siya nag magcocontrol ng kamay mo para sa fingerprint. Automated! nakakaelibs ambilis, try niyo minsan. I swear ang saya niya. haha Watch niyo to para sa proseso ng fingerprinting... skip na kayo sa 5:00min  by crxturbovtec Pahiram lang pre ah. <----Click nyo asteeg yan promise! skip kayo sa 5:00 ah para di matagal.

Step 4: Image Capture

Kung mabilis yung Fingerprinting, mas mabilis to! gagawin mo lang, bigay mo form mo, tapos tayo sa background, tingin sa camera na mukang Ray Gun ni Ultraman....sabay banat ng ngiti. Tapos! walang pila! walang hintay! Pirma ng photographer, tapos literal na ihahagis sa gilid yung form mo... habulin mo nalang.

Step 5: Data Entry

Dito titignan kung meron kung "Hit" ka o "No Hit"

Hit - May kapangalan
No Hit- Walang kapangalan

okay lang sakin to medyo kakaiba pangalan ko eh. James Russell Bianzon... Pag sumablay sa James Russell... yung Bianzon ko, rare yan... onti lang kami sa mundo na ganyan apelido surewin na to.

Pagbigay sakin ng form ko, kung minamalas ka nga naman oh! meron akong kapangalan! Hit ako! akalain niyo yun mga TROPA! James Russell Bianzon! shet! Kelangan ko pa tuloy balikan yung NBI clearance ko after 7 days! mygad! pero wala na daw pila at kahit hindi ako exactong 7 days bumalik... basta wag lang patagalin ng 3 months... Pero mga tropa! JAMES RUSSELL BIANZON!? kapangalan ko! paki patay nga yung isa... di nako original eh...

Paglabas ko, sinalubong ako ng mama ko. Sinisi ko siya kung bakit ako nagka Hit dahil dati nagreklamo ako sa pangalan ko... napangitan ako dahil daw galing sa English Poet yung James ko at Russell galing sa tatay ko.  Nagwala ako dati dahil gusto ko pangalan ko Wolverine... pinagpipilitan ko talaga yung Wolverine. Ayoko ng galing ang pangalan ko sa POET.. POET yun eh...parang pwet! badtreep! sana si Wolverine Bianzon nalang talaga ako.

Sana matulungan kayo netong Blog entry ko someday sa future...

Notes:
Wag bumili ng sedula sa labas
Magdala ng exact 100 peso bill at 3 5peso coin
maghanda sa mga window na biglang bubukas
Magdala ng 2 valid ID's kung wala Birth Certificate
Kahit wag na magdala ng Picture... sila na kukuha ng pics mo.

See ya guys! Ninja Out!


Monday, March 28, 2011

Family Party

March 28

Birthday ng Lolo ko and Despedida Party niya.

Pumunta kami sa bahay ng Tito ko, kung saan nakatira ang pogi kong lolo,
Sinabi ng lolo ko marami daw siyang bisita, mga kaibigan at kamag-anak niya daw... kaya medyo kinakabahan ako sa inorder ko na Litson. Mukang kukulangin... Pero naisip ko naman na ang mga bisita ng lolo ko eh mga matatanda na rin at mga takot na rin sa taba ang mga tao na yun, kaya mga tunay na matatapang lang at mga naging masaya na sa buhay nila ang siguradong kakain dun.

Naglabasan na ang mga bisita ng Lolo ko. May karamihan rin... mga oldies, yung iba naalala ko, yung iba naalala ko sa muka, yung iba kilalang kilala ko kasi mga tambay sa labas namin na naghahanap ng libreng foodtrip.

Grabe ang party ng Lolo ko, mga category ng tao nagtitipon para gumawa ng sariling inuman circle.


  • Sa labas mga Middle Aged Men a.k.a "Barako boys"
  • Sa tapat ng bahay mga Babaeng nag-babantay ng mga asawa nila kaya nagsi-inuman nadin
  • Sa Loob ng bahay 1st floor mga matatanda na nag rereminisce ng "nung bata pa sila moments"
  • Sa 3rd Floor ng bahay mga Teenagers naman nag-iinuman.
  • Sa 2nd Floor mga anak ng mga nag-iinuman, naghaharutan hanggang mag-iyakan


Bawat inuman may kani-kanilang kwentuhan... ang pagkakapareho lang eh, pag lumapit ka ng within 10feet radius ng mga kani-kanilang inuman circle, eh yayain ka na tumagay...

Ang pinakaayaw ko sa mga ganitong party eh hindi yung kaguluhan... kundi yung pag nakikita ka ng mga relatives mo na matagal ka nang hindi nakikita babanatan ka ng mga usual na banat nila na nakakasawa.

"Uy si James ba to? Anlaki na ah!"
"Si James oh! antangkad na!"
"Ay eto ba anak ni Lelen, nako antangkad na ah"
"AHHH!! MAY NAKAPASOK NA BAKULAW! MGA KAIBIGAN! MAGSITAKBUHAN TAYO AT SUMIGAW!"
"Wow Si James kamukhang kamuka ng tatay ha! analaki na"
"Lika dito James, nako anlaki mo na, naalala ko dati *insert embarassing moment here*"
"eto ba anak mo? ampanget! mamatay na sana!"

Kaya medyo iwas ako sa mga kamag-anak namin eh, laging nagpapakwento ng ginagawa ko sa school blah blah blah... eh hindi pa naman ako magaling makipagusap sa kapwa tao. Wala talaga akong talento sa Socializing field. Lagi ang sagot ko sa mga tanong "Oo" "Hindi" o "Pwede" lang... Parang Pinoy henyo.

Wala nako masabi! Pagod pa ako sa party! osige na pag may oras ako papahabain ko to!

Ninja Out!

Saturday, March 26, 2011

Grades...Fast Approaching!

Its Vacation again mga ka-tropa-pips... at tulad niyong mga kolehiyo nakatugon din ako sa website ng eskwelahan ko para makita ang grades ng inyong yours truly. Sa totoo lang medyo kinakabahan ako sa magiging resulta ng mga grades ko. Lalo na sa PE...

Tama ang pagkakabasa niyo mga tropa... mahina ako sa PE... marami siguro nag-iisip sa inyo na.

"PE! Dali dali lang nun eh! kahit bobo ka 1 ka dun!"

o kaya naman...

"PE! eh Bonus Round nga ng College yun eh!"

at para sa mga hardcore...

"PE! dehado ka!? bobo mo naman, mamatay ka na"

Hindi ko naman pinroblema ang PE dahil mahina ako sa sports...Well mahina talaga ako sa sports... pero sa ngayong sitwasyon parang desente naman yung performance ko.

Ang pinoproblema ko eh, sobrang dami ng late ko at sobrang tagal ko makapasok sa klase matatagalan kahit na mga babae na nag CR sa mall. Tagal no?! Nahihirapan talaga ako pumasok sa klase pag umaga yung klase ko.

Eniwey back to the ball game.

Inaabangan ko nga yung grades ko sa internet... tapos after 1 day... lumabas na lahat isa isa... yung mga dehado ko na subject yun pa yung unang mga lumabas... sayang!... gusto ko pa naman yung parang suspense thriller yung paglabas ng grade ko. Kaso wala eh... boring ng buhay ko eh.

ang grade ko sa PE mga tropapis ay..... *BAM BAM BAM*

2.50! solid 2.50 mga tropa. Hindi ko alam kung ano ginawa ko sa PE at binigyan ako ng ganyan na grade... expected grade ko kasi 5.00(FAIL) eh o kaya naman kung halimbawa sinwerte talaga at pinagpala talaga ako ng Diyos makakakuha ako ng 3.00(Pasang-awa). Pero 2.50! shet! pag halimbawa naging Succesful CEO ako ng isang kumpanya, o naging may- ari ng restaurant na sikat, o kaya naman sikat na BUGAW sa Roxas Blvd... Hindi ko kakalimutan ang prof ko na yun at isasama ko siya sa bawat speech na ibibigay ko...

"Pinasasalamatan ko ang Professor ko sa PE na hindi nagbigay sakin ng 5.00 na grade... Hindi 3.00 na grade kundi 2.50! solid 2.50 mga pogi! Wala ako ngayon dito kung hindi niya ako pinasa... kaya muli kong pinasasalamatan si Prof. WatsHisName"

Hindi naman sa nagmamayabang pero medyo may kataasan ang mga grade ko... lowest ko na yang 2.50 na yan. Sa sobrang tuwa ko pinakita ko pa sa lolo ko kahit kelan hindi naging satisfied sa grade ko...ever!

Inabangan ko yung ngiti sa muka niya... after 3secs... walang pinagbago... naka normal mode(simangot) padin yung face niya... 7secs wala padin.... ganun padin... 10secs... nagtataka ako kung nagbabago pa itsura niya o ganyan na yun habang buhay. 13 secs... Finally bumuka ang bibig niya at naglabas ng salita...Buhay pa siya wag kayo mag'alala.

Tatay(Lolo): Bakit may AW(Allowed Withdrawal or Dropped) na grade? ano ibig sabihin niyan?

Ako: (Ayaw sabihin na dinrop ko yung subject na isa) ay TAY ibig sabihin niyan "AW sobrang taas ng grade na to"

Tatay: Baka naman ibig sabihin niyan "AW sobrang baba ng grade na to hindi na masulat sa numero"

oh diba? sabi ko sa inyo hindi nagiging masaya sakin yan eh.

Dinrop ko yung Subject kong HBO... haha. kasi sobrang aga 7:00am hirap gumising ng maayos. Pero ibang storya na yun... kung may oras ako ipopost ko storya niyan.

Goodluck sa grades niyo!
Ninja Out!

Friday, March 18, 2011

5 Dogs vs 1 Ninja

2:00am

Kakatapos ko lang gawin ang mga school works at kung ano ano pang dapat kong gawin. Pumasok ako sa banyo para mag toothbrush at makatulog na. Habang nag-totoothbrush ako, merong kumatok sa pinto, nagtaka ako, dahil sino ba naman ang kakatok sa banyo ng alas dos ng madaling araw. Binuksan ko yung pintuan at nakita ko si tatay... ang napakapogi kong lolo na naka porma. Meron pa akong bula bula sa bibig nung nakita niya ako.

Dialog Mode Engage:

Tatay: Ano ginagawa mo?

Ako: Natutulog Nag-totoothbrush po. San po kayo pupunta?

Tatay: sa Bacolod, lika nga hatid mo ako sa Airport.

Ako: wala pa akong non-pro, di pa ako pwede.

Tatay: sabi ko sayo asikasuhin mo na yang lisensya mo eh! Gisingin mo tito mo sabihin mo hatid ako.

Ako: SIR YES SIR!

Dialog Mode Disengage.

Nagbihis ako dahil gusto ako isama ng lolo ko sa airport... malay ko kung bakit... at hindi ko din alam kung bakit hindi niya nakikita na kailangan ko ng tulog.

Pagkabihis ko, tinawag ulit ako ng lolo ko, pinabuhat niya sakin ang pagkalaki-laking bag. Hindi ko alam kung magdedeliver siya ng hollow blocks sa Bacolod at bakit napakabigat ng dala niya. Kinaladkad Binuhat ko ang bag na yun papunta sa kotse namin na nasa kanto...

Habang kinakaladkad binubuhat ko ang bag ng lolo ko... merong biglang kumahol sakin na aso, di ko naman pinansin, kasi isa lang naman at kaya kong pumatay ng isang aso... paglakad ko, merong kumahol pa na isa pang aso, tapos isa pa, sa dami ng nagkakahulan na asong ulol, nagising naman ang mga tropa nilang mga aso na napaka-agressive. Hala! sige binilisan ko nga ang lakad ko, hinabol ako ng 5 na aso, nasa likod yung 3 na aso, tapos merong 2 aso na nangunguno, siguro yun yung leader nila, Alphamale kumbaga sa mga salita ni Jecjec supot(Naks! Special Mention! Mumurahin ako niyan oh!). Tapos yung isang katabi nung Alphadog yun yung sipsip na apprentice ng Alphadog, yung apprentice ang magmamana ng mga "Doggy style leadership" ng Alphadog kung sakaling masagasaan, mapatay ng kapwa aso, mabagsakan ng hollow blocks, masagasaan ng barko, oh maging pulutan ang leader nila.

Sobrang medyo kinabahan ako sa sitwasyon ko non, buti nalang meron akong naalala sa mga napanood ko sa tv na mga gagawin kung halimbawa naka-encounter ng aso na gusto ng gulo. Ang ginawa ko eh, hindi ako tumalikod sa mga aso at tinakpan ko ang "vulnerable parts" ko ng bag ng lolo ko, habang naglalakad ng patalikod ng mabilis, alam ko pag tumalikod ako at inexpose ang napaka flawless na pwet eh siguradong ibabaon ng mga aso na yun ang mga pangil nila sa pwet ko.

Ambagal ng galaw ko, pero at least hindi pa ako nakakagat ng aso, talagang nakikita ko sa kanila na gusto nila tikman ang katawan ko eh, gigil na gigil sakin ang mga hayop, winawasi-wasiwas ko yung bag ng lolo ko, para matakot sila sakin, nangako ako sa sarili ko na pag ako nakagat at wala na akong makitang paraan para makatakas, ibabagsak ko sa ulo ng leader ang bag ng lolo ko, tignan natin kung hindi mag crack yung bungo nun, O kaya naman sapakin ko sa tagiliran, sabi ni Paolo effective daw yun eh, masasaktan daw yung aso pag sa tagiliran mo sinuntok, ewan ko kung hobby niya manuntok ng aso pero magandang source of information naman yung taong yun eh.

Makalipas ang ilang lakad, sumuko na ang ibang aso, yung Alphadog nalang talaga ang ayaw sumuko sakin, masyadong pasikat, ang ginawa ko, tinakot takot ko na yung aso, natakot naman, at bumalik na sa lungga nila.

Pagdating ko sa kotse, nakita ko yung lolo ko na dadaan sa maraming aso, sisigawan ko sana ng warning na agressive ang mga aso, kaso gusto kong makita kung ano mangyayari...hehehehe. Pero deym! it's a MIRACLE! hindi pinansin ang lolo ko ng mga aso, ni amuy amuyin hindi nila ginawa eh! nagtaka ako kung ano ba ang galit ng mga aso na yun sakin? mga hinayupak na yun, bakit ako lang ang trip nila?

Sana meron kayong natutunan sa experience ko at sa susunod na maka-encounter kayo ng asong agressive...Remember "What will a Ninja do?"

Ninja out!


Friday, March 4, 2011

Watdapak STINKS?!

Isang araw pumasok ako… teka ulit.

 Araw araw pumapasok ako ng school, at isang araw sa mga araw-araw na pagpasok ko ng school.(yan ok na, baka makita ng nanay ko, sabihin di ako pumapasok).

Soweniwey… Sumakay ako sa jeep para pumasok, pagpasok ko ng jeep, dun ako sa "semi-dulo" part ng jeep umupo, kasi punong puno yung na-para ko.  Nag-iisa lang talaga ang upuan na yun at tadhana talaga na ang pwet ko ang magpapainit sa malambot at mainit or malamig na upuan na yun…dependa sa oras ng naging bakante ang upuan na yun.



Pag-upo ko dun sa jeep, meron akong napansin na kakaiba, ang dalawang katabi ko ay nakatakip ang ilong gamit ang panyo!  Pag tingin ko sa paligid ko eh para bang iniisip nila na mabaho ako, sumusulyap sulyap sakin ang mga kapwa pasahero ko at biglang magtatago ng maliit na tawa.  Kailangan ko sumimple ng amoy sa katawan ko para malaman ko kung ako ba talaga ang salarin!

Ang ginawa ko kinapit ko ang isang kamay ko sa jeep tapos kunwari inaantok-antok ako.  Onti-onti kong binabagsak-bagsak yung ulo ko malapit sa kili-kili area ko, with "pigil-bumagsak factor" syempre para swabe ang acting.
Pagtapos kong amoyin… wala naman akong naamoy, pagtapos ng kaliwa… kanang kili-kile naman, same procedure.
WALA PADIN!

Ano ba yung mabaho?  Ako ba talaga?  May naapakan bako na hindi kanais-nais?  Hindi ba ako nagshampoo?  May gumapang ba sa loob ng sumbrero ko at namatay dun?  May problema ba ang ilong ko?!  Sino?!  At ANO ANG MABAHO!?  Sabihin nyo!

Nakaisip naman ako ng solusyon sa sitwasyon at agad-agad kong isinakatuparan ang idea na ito.  Bumunot ako sa bulsa ko ng panyo, at tinakip ko din sa ilong ko, tapos kukunot ko yung noo ko na para bang may problema ako.
Sa ganoong paraan mananatiling misteryo kung sino ang mabaho…

Pagtapos ng ilang minuto, akala ko solid na ang plano ko na magkunwaring nababahuan din… kaso nga lang merong bumaba sa kabilang side ng jeep, agad agad namang lumipat yung katabi ko sa kaliwa na para bang hindi na kinakaya ang amoy.  MADERPAK!

Hindi lang yun!  Merong sumakay na isa pang pasahero at umupo dun sa bakanteng upuan sa tabi ko, pero pagtapos ng ilang minuto eh lumipat rin ng upuan.  Para bang ako talaga yung mabaho?  Ganon ba talaga ka sang sang ang amoy ko!?



Ang ginawa ko eh umupo ako dun sa bakanteng upuan na nilalayuan ng ibang tao.  Para atlis walang namamagitan na tao sakin.

Pag upo ko dun sa upuan na yun,Meron akong naamoy na sobrang BANTOT, as in!  to the maximum level!  Kung gusto mo ma-experience yung amoy na naamoy ko, ganito gawin mo, Kuha ka ng mga 20 na bulaklak na sobrang bango, 20 Pinakamabangong prutas, at 20 Pinakamabangong halaman…tapos kainin mo, hintayin mong lumabas sa pwet mo, tapos kung ano lumabas…amoyin mo.

Nadiskubre ko ang sikreto ng mabahong ano!?  Ano ang mabaho na yun?  Ang mabaho ay….*BAM BAM BAM*!  Ang Driver ng JEEP!  YEHEY!

Gumaan ang pakiramdam ko, parang gusto kong mag bugtong hininga, kaso nga lang mabaho, Napangiti ako ng sobrang laki sa nalaman ko, kaso nga lang inalis ko agad ang ngiti ko kasi tinitignan na ako ng mga tao.  Pinalitan ko ng WTF face ko.

BOW!

NINJA OUT!