Monday, March 28, 2011

Family Party

March 28

Birthday ng Lolo ko and Despedida Party niya.

Pumunta kami sa bahay ng Tito ko, kung saan nakatira ang pogi kong lolo,
Sinabi ng lolo ko marami daw siyang bisita, mga kaibigan at kamag-anak niya daw... kaya medyo kinakabahan ako sa inorder ko na Litson. Mukang kukulangin... Pero naisip ko naman na ang mga bisita ng lolo ko eh mga matatanda na rin at mga takot na rin sa taba ang mga tao na yun, kaya mga tunay na matatapang lang at mga naging masaya na sa buhay nila ang siguradong kakain dun.

Naglabasan na ang mga bisita ng Lolo ko. May karamihan rin... mga oldies, yung iba naalala ko, yung iba naalala ko sa muka, yung iba kilalang kilala ko kasi mga tambay sa labas namin na naghahanap ng libreng foodtrip.

Grabe ang party ng Lolo ko, mga category ng tao nagtitipon para gumawa ng sariling inuman circle.


  • Sa labas mga Middle Aged Men a.k.a "Barako boys"
  • Sa tapat ng bahay mga Babaeng nag-babantay ng mga asawa nila kaya nagsi-inuman nadin
  • Sa Loob ng bahay 1st floor mga matatanda na nag rereminisce ng "nung bata pa sila moments"
  • Sa 3rd Floor ng bahay mga Teenagers naman nag-iinuman.
  • Sa 2nd Floor mga anak ng mga nag-iinuman, naghaharutan hanggang mag-iyakan


Bawat inuman may kani-kanilang kwentuhan... ang pagkakapareho lang eh, pag lumapit ka ng within 10feet radius ng mga kani-kanilang inuman circle, eh yayain ka na tumagay...

Ang pinakaayaw ko sa mga ganitong party eh hindi yung kaguluhan... kundi yung pag nakikita ka ng mga relatives mo na matagal ka nang hindi nakikita babanatan ka ng mga usual na banat nila na nakakasawa.

"Uy si James ba to? Anlaki na ah!"
"Si James oh! antangkad na!"
"Ay eto ba anak ni Lelen, nako antangkad na ah"
"AHHH!! MAY NAKAPASOK NA BAKULAW! MGA KAIBIGAN! MAGSITAKBUHAN TAYO AT SUMIGAW!"
"Wow Si James kamukhang kamuka ng tatay ha! analaki na"
"Lika dito James, nako anlaki mo na, naalala ko dati *insert embarassing moment here*"
"eto ba anak mo? ampanget! mamatay na sana!"

Kaya medyo iwas ako sa mga kamag-anak namin eh, laging nagpapakwento ng ginagawa ko sa school blah blah blah... eh hindi pa naman ako magaling makipagusap sa kapwa tao. Wala talaga akong talento sa Socializing field. Lagi ang sagot ko sa mga tanong "Oo" "Hindi" o "Pwede" lang... Parang Pinoy henyo.

Wala nako masabi! Pagod pa ako sa party! osige na pag may oras ako papahabain ko to!

Ninja Out!

No comments:

Post a Comment