Wednesday, March 30, 2011

NBI Clearance

March 30th

5:00am... Ginising ako ng ate ko, sabi niya pupunta daw kaming NBI... wala akong paki... tulog ulet...after 5mins... Ginising ako ng Mama ko, sabi niya pupunta daw kaming NBI...may paki nako... Bangon, Kain, Ligo, Toothbrush and alldatshit.

Pumunta kami sa Monumento para kumuha ng NBI clearance namin... Pagdating namin sa destinasyon... Sinalubong kami ng mga opportunista na nagbebenta ng sedula.... para daw sa NBI clearance yun...hindi kami naniwala kasi naka jersey at jejecap combo yung nagtitinda... akyat kami sa 5th floor ng V-mall, pakshet, di pa gumagana ang escalator at elevator... Mano-mano tuloy kami umakyat....

Pag akyat namin, wala pa masyadong tao... bearable naman.

Step 1: Data Entry Check

Ibig sabihin neto, ichecheck nila ang nakalagay sa application form mo, para hindi ka na pabalik balik, sa una 1 lang ang pila nito....pero maya maya nagbubukas sila ng window para mas mabilis... pabor naman sakin yun, dahil medyo malayo layo ako sa pila... bawat bukas ng window nababad3p yung mga nasaharapan, at nauuna pa yung mga huling gumising. Hahahaha... Losers.

Step 2: Payment

Bayaran mo yung NBI clearance... eto ang pinakabwakanang matagal na pila sa buong proseso. 2 lang ang window at ambagal ng galawan ng pila. Tulad ng unang pila 1 lang ang window na nakabukas, pero maya maya may bumukas na isa pang window, kaya masaya ako, kasi mabilis ang ninja powers ko... pero kahit na umurong nako sa medyo malapit...napakatagal parin ng galawan.

After a few minutes biglang nag announce sila na... kung meron kang 100 peso bill at tatlong 5 peso coin... pwede ka nang dumiretso sa Automated Payment Machine... Bigla akong tingin sa wallet... P100... YES! kapa sa bulsa... shet! wala akong barya! Nakita ko ang mga tao na dumiretso sa machine... ambilis ng galawan dun... kakainggit, sana sumabog yung machine at masunong form nila... please?. kahit gano kabilis ang ninja niyo... sa barya barya magkakatalo eh. Bad3p!

30mins na ako sa pila... medyo malayo padin... kinakausap ako ng nasa harapan ko... maliit na lalaki... bisaya... at bakla. Kinkwentohan ako tungkol sa anak niyang babae na gusto niyang makita... mabait daw, masipag at laging sumusunod sa utos... in short....panget. Paulit ulit lang ang reply ko...*Ngiti* sabay oo. Andami niyang nakwento sakin, nangawit leeg ko ng kakayuko sa kanya, Nangawit ilong ko dahil sa amoy ng buhok niya...amoy GEL! Whothefuck still uses hair gel?! Nangawit din ang tenga ko dahil sobrang bilis niya magsalita, bisaya pa, tapos baklang bakla pa yung accent, hirap intindihin. "Nagwashingwashing siya blah blah blah"

Yung nasa harapan naman niya... Tahimik na tao. Siya yung tinatanungan ko ng mga gusto kong malaman... Nagtatanong ako sa kanya... pero pag nagtatanong ako feeling ko may "Word" ako sa noo... parang pinoy henyo... ang sagot niya sakin "Oo", "Hindi" at "Di' ko alam" lang. Feeling ko tuloy ako yung baklang bisaya.

50mins na... walang magawa... nanahimik na yung bakla. Napansin niya ata na wala akong interes sa sinasabi niya... o kaya naman napagod siya dahil 1k Wpm(Words per minute) yung salita niya. Meron akong laro na ginagawa pag bored ako sa pila... tawag ko dun "Head Game" actually hindi ganon tawag ko, pero ngayon inimbento ko na kasi walang pangalan yung larong yun eh.

How to Play Head Game

Tingin ka sa mga nasa harapan mo... tapos hanapin mo ang taong merong pinakamalaking ulo at irank mo sila according to size.

Criteria

Huge'ness: 40%
Funny Head Shape: 10%
Funny Hairstyle: 10%
Poknat: 40%

Malakas na pambatak ang poknat... kadalasan nanalo ang mga maliliit na ulo kesa sa malalaki dahil sa poknat nila...

Habang nasa pila ako... merong dumaan na pulis... dirediretso lang siya sa window, immune siya sa pila. WTF!? masama pa non, habang nag eexit siya, naka ngiti siya samen. Gusto ko nga patirin yung paa pagdaan sakin eh... tapos turo ko yung bakla. Haha. Napangiti ako sa ganda ng idea ko. Tapos napatingin sakin yung bakla, nawirduhan sa ngiti ko, sabay tawa.

Step 3: Fingerprinting

Lalagayan lang ng fingerprint yung form mo. FingerprintS pala dahil buong daliri. Grabe sobrang bilis ng proseso dito. magbayad ka lang ng 2 pesos sa mama na nasa tabi ng parang Ink Tablet tapos hahablutin niya kamay mo, relax ka lang, siya nag magcocontrol ng kamay mo para sa fingerprint. Automated! nakakaelibs ambilis, try niyo minsan. I swear ang saya niya. haha Watch niyo to para sa proseso ng fingerprinting... skip na kayo sa 5:00min  by crxturbovtec Pahiram lang pre ah. <----Click nyo asteeg yan promise! skip kayo sa 5:00 ah para di matagal.

Step 4: Image Capture

Kung mabilis yung Fingerprinting, mas mabilis to! gagawin mo lang, bigay mo form mo, tapos tayo sa background, tingin sa camera na mukang Ray Gun ni Ultraman....sabay banat ng ngiti. Tapos! walang pila! walang hintay! Pirma ng photographer, tapos literal na ihahagis sa gilid yung form mo... habulin mo nalang.

Step 5: Data Entry

Dito titignan kung meron kung "Hit" ka o "No Hit"

Hit - May kapangalan
No Hit- Walang kapangalan

okay lang sakin to medyo kakaiba pangalan ko eh. James Russell Bianzon... Pag sumablay sa James Russell... yung Bianzon ko, rare yan... onti lang kami sa mundo na ganyan apelido surewin na to.

Pagbigay sakin ng form ko, kung minamalas ka nga naman oh! meron akong kapangalan! Hit ako! akalain niyo yun mga TROPA! James Russell Bianzon! shet! Kelangan ko pa tuloy balikan yung NBI clearance ko after 7 days! mygad! pero wala na daw pila at kahit hindi ako exactong 7 days bumalik... basta wag lang patagalin ng 3 months... Pero mga tropa! JAMES RUSSELL BIANZON!? kapangalan ko! paki patay nga yung isa... di nako original eh...

Paglabas ko, sinalubong ako ng mama ko. Sinisi ko siya kung bakit ako nagka Hit dahil dati nagreklamo ako sa pangalan ko... napangitan ako dahil daw galing sa English Poet yung James ko at Russell galing sa tatay ko.  Nagwala ako dati dahil gusto ko pangalan ko Wolverine... pinagpipilitan ko talaga yung Wolverine. Ayoko ng galing ang pangalan ko sa POET.. POET yun eh...parang pwet! badtreep! sana si Wolverine Bianzon nalang talaga ako.

Sana matulungan kayo netong Blog entry ko someday sa future...

Notes:
Wag bumili ng sedula sa labas
Magdala ng exact 100 peso bill at 3 5peso coin
maghanda sa mga window na biglang bubukas
Magdala ng 2 valid ID's kung wala Birth Certificate
Kahit wag na magdala ng Picture... sila na kukuha ng pics mo.

See ya guys! Ninja Out!


No comments:

Post a Comment