Friday, March 18, 2011

5 Dogs vs 1 Ninja

2:00am

Kakatapos ko lang gawin ang mga school works at kung ano ano pang dapat kong gawin. Pumasok ako sa banyo para mag toothbrush at makatulog na. Habang nag-totoothbrush ako, merong kumatok sa pinto, nagtaka ako, dahil sino ba naman ang kakatok sa banyo ng alas dos ng madaling araw. Binuksan ko yung pintuan at nakita ko si tatay... ang napakapogi kong lolo na naka porma. Meron pa akong bula bula sa bibig nung nakita niya ako.

Dialog Mode Engage:

Tatay: Ano ginagawa mo?

Ako: Natutulog Nag-totoothbrush po. San po kayo pupunta?

Tatay: sa Bacolod, lika nga hatid mo ako sa Airport.

Ako: wala pa akong non-pro, di pa ako pwede.

Tatay: sabi ko sayo asikasuhin mo na yang lisensya mo eh! Gisingin mo tito mo sabihin mo hatid ako.

Ako: SIR YES SIR!

Dialog Mode Disengage.

Nagbihis ako dahil gusto ako isama ng lolo ko sa airport... malay ko kung bakit... at hindi ko din alam kung bakit hindi niya nakikita na kailangan ko ng tulog.

Pagkabihis ko, tinawag ulit ako ng lolo ko, pinabuhat niya sakin ang pagkalaki-laking bag. Hindi ko alam kung magdedeliver siya ng hollow blocks sa Bacolod at bakit napakabigat ng dala niya. Kinaladkad Binuhat ko ang bag na yun papunta sa kotse namin na nasa kanto...

Habang kinakaladkad binubuhat ko ang bag ng lolo ko... merong biglang kumahol sakin na aso, di ko naman pinansin, kasi isa lang naman at kaya kong pumatay ng isang aso... paglakad ko, merong kumahol pa na isa pang aso, tapos isa pa, sa dami ng nagkakahulan na asong ulol, nagising naman ang mga tropa nilang mga aso na napaka-agressive. Hala! sige binilisan ko nga ang lakad ko, hinabol ako ng 5 na aso, nasa likod yung 3 na aso, tapos merong 2 aso na nangunguno, siguro yun yung leader nila, Alphamale kumbaga sa mga salita ni Jecjec supot(Naks! Special Mention! Mumurahin ako niyan oh!). Tapos yung isang katabi nung Alphadog yun yung sipsip na apprentice ng Alphadog, yung apprentice ang magmamana ng mga "Doggy style leadership" ng Alphadog kung sakaling masagasaan, mapatay ng kapwa aso, mabagsakan ng hollow blocks, masagasaan ng barko, oh maging pulutan ang leader nila.

Sobrang medyo kinabahan ako sa sitwasyon ko non, buti nalang meron akong naalala sa mga napanood ko sa tv na mga gagawin kung halimbawa naka-encounter ng aso na gusto ng gulo. Ang ginawa ko eh, hindi ako tumalikod sa mga aso at tinakpan ko ang "vulnerable parts" ko ng bag ng lolo ko, habang naglalakad ng patalikod ng mabilis, alam ko pag tumalikod ako at inexpose ang napaka flawless na pwet eh siguradong ibabaon ng mga aso na yun ang mga pangil nila sa pwet ko.

Ambagal ng galaw ko, pero at least hindi pa ako nakakagat ng aso, talagang nakikita ko sa kanila na gusto nila tikman ang katawan ko eh, gigil na gigil sakin ang mga hayop, winawasi-wasiwas ko yung bag ng lolo ko, para matakot sila sakin, nangako ako sa sarili ko na pag ako nakagat at wala na akong makitang paraan para makatakas, ibabagsak ko sa ulo ng leader ang bag ng lolo ko, tignan natin kung hindi mag crack yung bungo nun, O kaya naman sapakin ko sa tagiliran, sabi ni Paolo effective daw yun eh, masasaktan daw yung aso pag sa tagiliran mo sinuntok, ewan ko kung hobby niya manuntok ng aso pero magandang source of information naman yung taong yun eh.

Makalipas ang ilang lakad, sumuko na ang ibang aso, yung Alphadog nalang talaga ang ayaw sumuko sakin, masyadong pasikat, ang ginawa ko, tinakot takot ko na yung aso, natakot naman, at bumalik na sa lungga nila.

Pagdating ko sa kotse, nakita ko yung lolo ko na dadaan sa maraming aso, sisigawan ko sana ng warning na agressive ang mga aso, kaso gusto kong makita kung ano mangyayari...hehehehe. Pero deym! it's a MIRACLE! hindi pinansin ang lolo ko ng mga aso, ni amuy amuyin hindi nila ginawa eh! nagtaka ako kung ano ba ang galit ng mga aso na yun sakin? mga hinayupak na yun, bakit ako lang ang trip nila?

Sana meron kayong natutunan sa experience ko at sa susunod na maka-encounter kayo ng asong agressive...Remember "What will a Ninja do?"

Ninja out!


No comments:

Post a Comment