
Tuesday, August 17, 2010
My Freakin' Horoscope this Month
Etong linggo na ito medyo malas ako… hindi ko lang alam kung bakit, usually kasi swerte talaga ako, hindi ako sanay ng sunud-sunud yung malas ko. Siguro kasi pinahiram ko sa kaibigan ko yung swerte ko, kawawa naman kasi siya eh, birthday month niya sobrang daming kamalasan nakukuha niya, kaya pinahiram ko muna siya. Hindi ko alam kung totoo na napasa ko talaga sa kanya yung swerte ko, pero damn!, parang totoo tlga, since this week palang, naiwan ko ung fave cap ko sa White Ave, Nasira ung bagong bili ko na Shades, tska nawala ung lalagyan ng salamin ko.
Kanina lang to nangyari sakin:
Sa wallet ko merong 550 pesos, pauwi nako ng bahay, gusto ko mabaryahan yung 50 pesos ko para hindi na mahirapan magsukli ung mga jeepney drivers.(yes ganito ako kabait) eh di bumili ako ng siomai with rice tska ng softdrinks. Sabi ni ate (3)tres daw isa yung siomai, yung rice 5 pesos naman ung kanin tapos ung softdrinks 12 pesos. Na estimate ko na bali 32 pesos lahat lahat, 7 pesos lang naman kailangan ko para sa pamasahe. Pag hain sakin ng pagkain ko binigyan ako ng sukli nung ale ng 3 pesos. Sabi ko kulang, sabi nya sais(6) daw ang isang siomai! Pagkakarinig ko tres lang! bwakanang! Eh di natira saken tatlong piso atsaka 500 pesos na papel, eh alanganaman bayad ko sa jeep 500 pesos na buo. Sa sobrang dismay ko naumay ako sa siomai ng tunay (whoa! It rhymes! Fliptop na to!)
Pagsakay ko naman ng jeep, ambaho ng katabi ko! as in to the maximum level! para siyang taong grasa tapos pinasakay pa ng driver, masama pa nun nasa dulo ako tapos siya lang katabi ko, siksik na siksik ako. kung hindi pa yun masama, bigla ba naman ng preno ng bonggang bongga ung driver sobrang nadikit ako sa kanya, grabe wagas ung amoy niya pag concentrated! pag uwi ko diretso agad ako ng banyo para maligo ng walang bukas.
Sa bahay naman nagbasa ako ng diyaryo para tignan ung horoscope ko at eto ang nabasa ko:
“Scorpio: Very Low ang iyong energy level sa mga araw na ito, pero maari kang maging pinaka-worst enemy ng kahit sino kung ikaw ay hahamunin. Kailangang kontrolin mo ang iyong temper upang hindi masangkot sa gulo, na maaring magdala sayo sa BILANGGUAN. Masyado ring malakas ang iyong attraction sa opposite sex sa buwang ito pero malakas ang iyong pagnanais na mapag-isa kaya magiging madalas kang nasa bahay lamang na tila nagtatago. Magiging maingat sa pagbubuntis, may mga indication na magiging abnormal o kakaiba ang anak mo.”
WTF? Ibig sabihin isang buong buwan akong ganito? Hahaha. Parang isang malaking cosmic joke. Tumatawa sakin ang buong universe. :))
I thank google for the Motivational Poster and People's Tonite for the Horoscope.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kagyat na pagsumite ng aplikasyon ng real loan ngayon:
ReplyDeleteCitylaon at pag-credit)
Naghahanap ka ba ng isang utang sa negosyo? Personal na pautang, pautang sa bahay, kotse
Pautang, Pautang sa Mag-aaral, Utang na Pinagsama-sama ng Utang, Hindi Segurado na Pautang, Enterprise
Kapital, atbp .. o ang utang ay tinanggihan ng bangko o
Institusyong pampinansyal para sa anumang kadahilanan. Pribado kaming nagpapahiram at nagpapahiram
Para sa mga kumpanya at indibidwal na may mababang rate ng interes at abot-kayang mga rate mula sa
2% rate ng interes. Kung interesado sa isang utang? Whatsapp sa amin ngayon sa +971544105744 o Email sa amin @
(cityloan2020@gmail.com) at makuha ang iyong utang ngayon.